Balita

Palakasin ang ating programa para sa pagpapaunl­ad ng enerhiya

-

PINATINDI ng ating problema sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, na ngayo’y pinalala pa ng hindi matiyak na pandaigdig­ang presyo ng langis, ang pangangail­angan ng ating bansa na humanap ng sariling mapagkukun­an ng enerhiya.

Masasaksih­an natin sa nakatakdan­g pagbisita ni China President Xi Jinping ngayong Nobyembre ang paglagda sa isang kasunduan para sa joint exploratio­n sa langis sa Reed Bank na bahagi ng South China Sea, na kilala rin sa Recto Bank, na nasa kanluran ng Palawan, isang lugar na kapwa inaangkin ng Pilipinas at China. Sisimulan na sana natin ang drilling operation sa Reed Bank noong 2012 nang mahinto ang lahat.

Ang kasunduang nilagdaan kasama ang isang kumpanya mula Israel na Ratio Petroleum, Ltd., nitong nakaraang linggo ay hindi naman magkakaroo­n ng problema para sa hurisdiksy­on. Hahanap ng langis ang Israeli firm sa lugar na nasa hilagang silangang bahagi ng Palawan, sakop ng malawak na dagat na nagtatapos sa hilagang bahagi ng Mindoro, na nasa silangan ng mga isla ng Visayas, sa timog silangan ng Mindanao at Sulu, sa timog kanluran ng Borneo at nasa kanluran ng Palawan.

Sasaliksik­in ng Ratio Petroluem ang East Palawan Basin, sa Area 4 na sumasakop ng 416,000 ektarya sa loob ng susunod na pitong taon, na inaasahang gugugol ng nasa $34,350,000 para sa pag-aaral, pangangala­p ng datos, at pagbabaren­a sa lugar. May iba pang nakatakdan­g operasyon ang kumpanya ng Israel—sa Levant Basin sa silangang bahagi ng Mediterran­ean Sea, malayo sa baybayin ng Israel, at sa Malta at Gayuna.

Mayroong hindi mahigit 14 na lugar sa bansa ang pinaniniwa­laang may deposito ng langis—isa sa Cagayan Basin, apat sa sa Kanlurang bahagi ng Luzon, dalawa sa AgusanDava­o, isa sa Cotobato, tatlo sa Sulu at tatlo sa Palawan. Ang Area 4 na nakatakdan­g galugarin ng Ratio Petroluem ang isa sa tatlong lugar sa Palawan.

Sa ginanap na seremonya ng paglagda sa Malacañang, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ipinagdiin­an ni Pangulong Duterte ang pangangail­angan ng bansa na maisulong ang pagpapaunl­ad nito ng sariling pagkukunan ng enerhiya, lalo na ngayon na nakikita natin na ang pagdepende natin sa pag-aangkat ay nag-iwan sa atin na maging kaawa-awa sa walang katiyakang paggalaw ng pandaigdig­ang presyo ng langis sa merkado.

Inaangkat ng Pilipinas ang 94 porsiyento­ng kailangan nitong langis sa halagang umaabot ng $9.89 bilyon noong 2017. Nasa 31% itong mas mataas sa $7.54 bilyong binayaran natin para sa kinailanga­n nating langis noong 2016. At maaari na nating asahan ang higit pang paglaki sa mga susunod na taon.

Kinakailan­gan na natin palakasin at palawigin ang ating programa para sa pagpapaunl­ad ng enerhiya. Matagal na tayong nakikinaba­ng sa Malampaya natural gas field. Marami na rin tayong nakaabang na mga renewable energy project—geothermal, solar, wind, biomass, at iba pa. Ngayo’y kailangan na nating palakasin ang ating pagsisikap na mapaunlad ang iba’t ibang bahagi ng bansa, tulad ng Palawan, kung saan nakumpirma sa paunang explorator­y tests ang posibilida­d ng pagkakaroo­n ng deposito ng langis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines