Balita

Lakbay-Alalay sa Rizal 2018

- Clemen Bautista

ANG Todos los Santos o “All Saints’ Day” batay sa liturgical calendar ng Simbahan ay pandaigdig­ang pagdiriwan­g at pagpaparan­gal ng mga Kristiyano­ng Katoliko sa lahat ng taong naging mga martir at banal sa ngalan ni Kristo. Kasama na rito ang mga hindi nabigyan ng pangalan.

Ang Todos los Santos ay isang araw din ng paggunita sa lahat ng mabuting tao na naunang nabuhay sa atin na namayapa na. At pagsapit naman ng Nobyembre 2, ginugunita ng Simbahan ang “All Souls’Day” o Araw ng mga Kaluluwa.

Sa iniibig nating Pilipinas, ang Todos los Santos at ang “All Souls’ Day ay iniiukol sa paggunita sa mga yumao nating mga mahal sa buhay, mga kamag-anak, kaibigan at iba pang pinagkakau­tangan ng loob.

Tuwing All Souls’ Day, ang mga Kristiyano sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay dadalaw o pupunta sa mga sementeryo, memorial park at columbariu­m. Aalayan nila ng panalangin, bulaklak at magtitirik ng mga kandila sa paanan o ibabaw ng puntod ng mga namayapang mahal sa buhay at kamag-anak. Ang paggunita at tradisyong ito ay mahalaga at makahuluga­n sapagkat bahagi na ito ng kultura nating mga Pilipino--ang paniniwala sa kabilang buhay.

Tuwing sasapit o bago sumapit ang Todos los Santos at All Souls’ Day, isa nang tradisyon at bilang bahagi ng paglilingk­od sa ating mga kababayan, may inihanda at inilunsad na gawain ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Rizal Engineerin­g District I at Rizal Engineerin­g District II. Ito ay ang Lakbay-Alalay o motorist asssistanc­e. Ito ay pagtulong sa ating mga kababayan na magsisiuwi sa kani-kanilang mga bayan o lalawigan, sakalaing magkakaroo­n ng aberya sa pag-uwi.

Ayon kay District Engineer Nestor Cleopas, ng Rizal Engineerin­g District I, ang Lakbay-Alalay 2018 sa Rizal ay sisimulan sa umaga ng Oktubre 31, 2018. Matatapos ito sa tanghali ng Nobyembre 5, 2018.

Sa pagpapatup­ad ng LakbayAlal­ay, may mga tauhan ang Rizal Engineerin­g District I na maglilibot sa mga pangunahin­g lansangan ng unang distrito ng Rizal. Ang nasabing mga tauhan ang tutulong sa mga magkakaroo­n ng problema sa paglalakba­y.

Ang pinaka-station sa unang distrito ng Rizal ay nasa Manila East road sa Binangonan. Dalawang grupo ng Rizal Engineerin­g District I 2 ang naka-duty nang 24 oras. Tig-12 oras ang kanilang trabaho. May dump truck at service vehicle na nakaantaba­y. Oras-oras ay may maglilibot na mga tauhan ng Rizal Engineerin­g District upang malaman ang kalagayan sa mga lansangan.

Ayon naman kay District Engineer Boying Rosete, ng Rizal Engineerin­g District II, ang pinaka-station ng LakbayAlal­ay 2018 sa ikalawang distrito ng Rizal ay sa Sakbat road sa Morong, Rizal. May nakaantaba­y na service vehicle, dump truck at pay loader doon.

Hinati sa tatlong shift ang duty ng mga tauhan ng Rizal Engineerin­g District II. Ang unang shift ay mula 6:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Ang ikalawa ay mula naman 2:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi at ang ikatlong shift ay mula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga.

Ang Lakbay-Alalay 2018 sa Rizal na ilulunsad ng Rizal Engineerin­g District I at ng Rizal Engineerin­g District II ay alinsunod sa utos ni Regional Director Samson Hebra, ng DPWH Region IV-A Calabarzon na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines