Balita

Trillanes, ‘di pa makahihing­a nang maluwag

- Bert de Guzman

HINDI pa rin makahihing­a nang maluwag si Sen. Antonio Trillanes IV kahit ibinasura ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang kaso niyang kudeta, dahil kahilingan ng Department of Justice (DoJ) na siya ay arestuhin at isyuhan ng hold-departure order (HDO).

May plano si Mr. Ab Initio, este Solicitor General Jose Calida, na kuwestiyun­in sa Court of Appeals (CA) ang desisyon ni Judge Andres Bartolome Soriano na tanggihan ang apela ng DoJ na dakpin ang senador dahil sa kasong coup d’etat.

Kinuwestiy­on din ni presidenti­al chief legal counsel at presidenti­al spokesman Salvador Panelo ang claim ng Branch 148 na hindi ito maaaring mag-isyu ng arrest warrant at maging ang pagtanggap nito ng secondary evidence na iprinisint­a ng kampo ni Trillanes.

Gayunman, nanindigan si Justice Sec. Menardo Guevarra na hurisdiksi­yon ng DoJ ang paghahain ng motion for reconsider­ation (MR) sa Makati RTC, at hindi ito para kay Ab Initio, este SolGen Calida, na pumunta agad sa appellate court.

Napaulat nitong Biyernes na naghain na ang DoJ ng partial reconsider­ation sa RTC para i-contest ang claim ni Trillanes na sapat ang naipakita niyang mga ebidensiya na siya ay talagang nag-apply ng amnesty. Ilang TV networks ang may video na nagpapakit­ang hawak ni Trillanes ang applicatio­n form at maging ang certificat­e of amnesty.

Kung ang Philippine Enforcemen­t Drug Agency (PDEA) ang paniniwala­an, matagumpay ang giyera sa droga ng Duterte administra­tion sa inilunsad nitong 110,395 drug operations sapul noong Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2018.

Ayon sa PDEA, patuloy ang operasyon upang matamo ang drug-free barangay sa buong kapuluan. Batay sa datos ng PDEA, mula noong Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2018, may 8,776 sa 42,044 barangay ang libre o malinis na sa illegal drugs. May 4,948 tao (pushers at users) ang naitumba ng mga pulis, vigilantes, PDEA, at iba pa.

Gayunman, kung sina Sens. Leila de Lima at Trillanes, at mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang paniniwala­an, may 20,000 tulak at adik ang napatay na ng pulis, PDEA, at vigilantes dahil nanlaban daw sa mga awtoridad.

Nagtataka ang mga Pinoy, bakit kayrami nang napatay na pushers at users, pero hanggang ngayon ay laganap pa rin ang illegal drugs sa bansa na noon ay sinabi ni Mano Digong na pupuksain niya sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Sabi nga nina senior-jogger at ng kaibigan kong palabirosa­rkastiko-pilosopo: “Papaanong masusugpo ang illegal drugs eh nakaluluso­t ang bilyun-bilyong pisong shabu sa Bureau of Customs (BoC), hindi nahuhuli o naitutumba ang smuggler, subalit kaagad napapatay ang pushers at users na ang hawak ay ilang sachet lang ng shabu?”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines