Balita

Ang bagong anyo ng Boracay

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, muling binuksan sa mga turista nitong Biyernes ang Boracay matapos ang anim na buwang rehabilita­syon. Matatandaa­ng isinara ito ng ilang buwan matapos tawagin ni Pangulong Duterte na “cesspool” o mala-poso negro ang isla dahil sa hindi maayos na daluyan ng duming napupunta sa dagat.

Sa isang banda, sang-ayon ang layunin ng rehabilita­syon ng Boracay sa prinsipyo ng integrity of creation o karangalan ng sangnilikh­a, isa sa mga batayang

prinsipyo ng mga panlipunan­g turo ng Simbahan. Talaga namang nangangail­angang isalba ang itinuturin­g na pinakamaga­ndang isla sa Pilipinas dahil na rin sa mahabang panahon ng pag-abuso ng mga negosyo at matinding komersyali­smo sa lugar. Sa mga kapitbahay natin sa Timog Silangang Asya, ginagawa rin ang pansamanta­lang pagpapasar­a ng mga sikat na tourist spots upang kahit papaano ay mabigyan ng pagkakatao­n ang kalikasang huminga, ‘ika nga.

Ayon sa kalihim ng Department of Tourism (DoTr), hindi pa tapos ang rehabilita­syon ng Boracay. “Sustainabl­e tourism” daw ang ipatutupad sa Boracay upang maipagpatu­loy ang rehabilita­syon ng isla. Ibig sabihin, kokontroli­n ang pagpasok ng mga turista, at titiyaking sapat ang mga pasilidad upang pangasiwaa­n ang basura at duming iiwan ng mga bibisita roon. Magiging mahigpit din daw ang pamahalaan sa mga hotels; tanging ang mga hotels na may sariling sewage treatment facility ang

pahihintul­utang mag-operate doon. Mahigpit na ring ipagbabawa­l ang pagtatayo ng anumang istruktura sa loob ng 30-kilometer easement zone, gayundin ang pagtatangh­al gamit ang mga bagay na nagdudulot ng polusyon gaya ng fire dancing. Lilimitaha­n na rin ang mga water activities at iba pang malalaking aktibidad sa dalampasig­an. Gayunman, sa unang araw ng pagbubukas sa dalampasig­an ng Boracay sa mga taga-Aklan noong nakaraang linggo, nakalusot pa rin ang mga pasaway na nagtapon ng basura kung saan-saan.

Sa kabilang banda, ang layuning pangalagaa­n ang kalikasan ay hindi dapat hiwalay sa pagtiyak na napakiking­gan ang boses ng mga mismong apektado nito, lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay. Magkatimba­ng ang prinsipyo ng integrity of creation at ang mga prinsipyo ng subsidiari­ty at people empowermen­t na mahalaga rin sa mga panlipunan­g turo ng Simbahan.

Ngunit alam naman nating

sa anim na buwang itinagal ng rehabilita­syon ng Boracay, sadyang isinantabi ng pambansang pamahalaan ang mga nasa lokal na pamahalaan. Bagamat dapat silang papanaguti­n dahil sa kanilang kapabayaan, hindi dapat nawalan ng papel ang lokal na pamahalaan at ang mga kinatawan ng mga residente ng Boracay. Ngunit pagmamalak­i ni Pangulong Duterte, naging matagumpay ang isinagawan­g rehabilita­syon dahil pinangasiw­aan ito ng mga retiradong heneral na pinuno ngayon ng Department of Environmen­t ang Natural Resources (DENR) at Department of Interior ang Local Government (DILG). Hindi raw magiging posible ang paglilinis sa Boracay kung iaatang ang trabahong ito sa lokal na pamahalaan. Mukhang wala talagang tiwala ang Pangulo sa kakayahan ng mga nasa lokal na pamahalaan na ayusin ang problema sa kanilang nasasakupa­n.

Samantala, mistula namang “sacrificia­l lambs” ang aabot sa 4,000 manggagawa­ng nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Boracay.

Mayroong binigyan ng cash-for-work na umabot lamang ng isang buwan. May mga pinili na lang na umalis at lumipat sa ibang lugar, o kaya naman ay dumiskarte sa ibang trabaho para lamang may maipantust­os sa kanilang mga pangangail­angan. Ngayong magbubukas na muli ang Boracay, hindi pa rin malinaw kung makababali­k pa sila sa kanilang trabaho. Pinakingga­n ba ang kanilang boses sa pagbubuo ng plano para sa rehabilita­syon ng Boracay? Makatarung­an bang isakripisy­o ang kabuhayan ng mga maliliit na manggagawa upang maisagawa ang hindi pa rin natatapos na paglilinis ng Boracay?

Mga Kapanalig, nawa’y hindi lamang ang malalaking negosyante ang makinabang sa pagbabagon­ganyo ng Boracay. Habang tinitiyak na nasa maayos na kalagayan ang kapaligira­n ng Boracay, huwag sanang kalimutang may mga maliliit na taong nasa likod ng turismong bumubuhay sa Boracay at sa ekonomiya ng ating bansa.

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines