Balita

Ken, nadadala si Boyet hanggang sa bahay

- Ni NORA V. CALDERON

SI Ken Chan ay si Boyet, isang may mild intellectu­al disability, sa afternoon prime drama series na

My Special Tatay, ng GMA-7. Tulad ng character na kanyang ginagampan­an, bago nagsimula ang taping nila ay nagkaroon si Ken, kasama ang production at creative teams, ng immersion para maunawaan ang kondisyon ng mga taong may kaparehong intellectu­al disability.

Sinabayan pa ito ni Ken ng acting workshop para tuluy-tuloy ang paghawak niya sa character ni Boyet.

“Pinag-aralan ko po kung paano kumilos ang isang may ganitong karamdaman,” kuwento ni Ken sa set visit ng soap. “Hanggang ngayon po ay pumupunta pa rin ako sa school for the special children para mag-observe.

“Minahal ko na po ang proyektong ito at may kaba rin ako dahil kailangang ipaintindi sa viewers ang pagkatao ng isang tao na may intellectu­al disability.”

Pero masaya si Ken at ang buong production team dahil tinanggap ng mga televiewer­s ang soap, at lagi silang nakakakuha ng top rating over sa katapat nilang programa.

Hindi ba nahihirapa­n si Ken na kumawala sa character niya sa My

Special Tatay, dahil all throughout ay iyon ang character niya?

“Minsan po nahihirapa­n akong kumawala agad, lalo na kung sunud-sunod ang ginagawa kong eksena; naiuuwi ko ang character ni Boyet sa bahay. Pero masaya naman ako kapag dumating ako sa bahay at binabati ako ng Daddy ko na mahusay daw ang pagganap ko sa mga eksena.

“Hindi po nakakalimo­t si Daddy na panoorin ako, at nagte-text pa siya sa akin. Ako raw po ang inspiratio­n niya para patuloy na lumaban sa sakit niya na stage two cancer. By the grace of God, nakatapos na siya ng chemothera­py niya,” pagbabalit­a pa ni Ken tungkol sa improvemen­t ng kalagayan ng ama.

May chance ba na magkaroon ng change ang character ni Boyet?

“Wala na po, ganoon na lang ang character niya. Pero sa kabila ng kanyang disability, marunong siyang magmahal at ipinagtata­nggol niya ang kanyang pamilya, lalo na ang anak niyang si Baby Angelo. Ang cute ng baby namin, he’s only six months old pero wala siyang tantrum sa set, lagi siyang nakangiti.

“Natutuwa nga po ako na hindi na ako tinatawag na ‘Ken’ ng mga tao kapag nakikita ako sa labas, ‘Boyet’ na ang tawag nila sa akin at pinapanood daw nila ako.”

Sa ngayon marami pang revelation­s na magaganap, kahit ipinakilal­a na ni Isay (Lilet) si Boyet sa tunay nitong ama, si Edgar (Jestoni Alarcon). Gusto naman ni Edgar na mapalapit sa kanyang panganay.

Pero laging may hadlang, ang mapagmataa­s na stepmother ni Boyet na si Olivia (Teresa

Loyzaga) at si Odette (Jillian Ward), ang stepsister niyang hindi matanggap na kapatid siya dahil nga may intellectu­al disability siya.

Ang My Special Tatay ay napapanood daily, after ng Ika-5 Utos.

 ??  ?? Ken at Baby Angelo
Ken at Baby Angelo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines