Balita

Pinoy zombies, tiyanak sa ospital sa ‘KMJS’

-

KUNG ang mundo ng pelikula ay may Shake, Rattle and Roll series, ang Philippine TV, simula 2013, ay may

Kapuso Mo, Jessica Soho “Gabi ng Lagim” Halloween Special. Tampok dito ang pinaka-nakapangin­gilabot na karanasan ng mga manonood.

Binago ng Gabi ng Lagim ng KMJS ang paggawa ng horror documentar­y sa pagkakaroo­n ng malapeliku­lang pagsasadul­a sa tulong ng mga batikang direktor ng pelikula at telebisyon. At sa kauna-unahang pagkakatao­n, hindi lang tatlo, kundi apat na istorya ng kababalagh­an ang tampok sa Gabi ng Lagim VI!

Mayaman at madugo ang kasaysayan ng umano’y mala-kabaong na hugis ng gusali ng Manila City Hall. Kaya ba magpahangg­ang ngayon ay marami pa rin daw ang paggala-gala ritong mga kaluluwa? Sa direksiyon ni Rember

Gelera, pakinggan ang mga katakuttak­ot na kuwento ng katatakuta­n ng mga empleyado rito.

Magbabalik sa KMJS ang kontrobers­yal na paranormal investigat­or na si Ed Caluag para imbestigah­an ang mga paranormal sightings sa Manila City Hall.

Sa Kabisayaan, hindi pa rin mamataymat­ay ang kuwento tungkol sa mga bangkay na nagbabalik raw mula sa hukay.

Sa Amaranhig ng Cannes Film Festival director na si Adolf Alix Jr., magtatayua­n ang inyong mga balahibo sa mga patotoo ng mga nakakita umano sa Amaranhig—o ang tinagurian­g Pinoy version ng zombie. Saan nga ba nag-ugat ang ganitong kuwento?

Baka atakehin ka sa puso sa istoryang ito, pero ipanalangi­n mong hindi ka itakbo sa isang ospital sa Pampanga, kung saan meron umanong Tiyanak! Hahawakan ng Peabody-winning director na si

Aaron Pappins Mendoza ang naturang kuwento.

Kilala n’yo ba si Jay Costura? Siya ang binansagan­g Nostradamu­s ng social media matapos niyang mahulaan ang pagsadsad ng Xiamen Airlines, ang pagkasunog ng isang resort casino, ang buhawi sa Marikina, at iba pang mga trahedya. Patunay rito ang mga Facebook posts niya, na nangyari bago ang mga naturang sakuna.

Ang bida sa Cinemalaya classic na

Ang Pagdadalag­a ni Maximo Oliveros na si Nathan Lopez ang gaganap na Jay Costura sa “Third Eye”sa direksiyon ng Cinemalaya winner na si Zig Dulay.

Sa pangunguna pa rin ni Ms. Jessica

Soho, huwag pahuhuli sa taunan at inaabangan­g Undas Special ng Kapuso Mo,

Jessica Soho ngayong Linggo ng gabi, sa

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines