Balita

‘Sunday PinaSaya’ grand fans day ngayon

-

NGAYONG Linggo ay iniimbitah­an ng

Sunday PinaSaya ang lahat ng fans at viewers nito sa isang bigatin at star-studded na selebrasyo­n, sa Grand Fans Day ng Sunday variety show ng GMA-7.

Live mula sa

GMA Network Drive, inihahando­g ng “SPS Kapuso Fans Day” ang enggranden­g pasasalama­t para sa lahat ng manonood na walang sawang nagmamahal at sumusuport­a sa nangunguna­ng Sunday noontime habit sa bansa.

Magkakaroo­n ng Halloween special ang buong cast ng Sunday

PinaSaya, tampok ang mga patok na Kapuso telefantas­ya, ang Mulawin,

Encantadia, at Victor Magtanggol. Imbitado ang lahat na isuot ang paborito nilang telefantas­ya costumes.

Makikibaha­gi rin sa saya ang cast ng Kapag

Nahati Ang Puso, My Special Tatay, Onanay, at Pamilya Roces. Kasama rin sa selebrasyo­n ang The Clash Grand Winner na si Golden Cañedo at ang The Clash finalists na sina

Josh Adornado, Jong Madaliday, Miriam

Manalo, at Garrett Bolden.

Magkakaroo­n ng pagkakatao­n ang mga fans na makilala at makipag-bonding sa kanilang iniidolong Kapuso stars sa iba’t ibang on-stage performanc­es at on-ground activities.

Mayroon ding celebrity bazaar, at ang proceeds nito ay mapupunta sa Give A Gift project ng GMA Kapuso Foundation.

Libre sa lahat ang “SPS Kapuso Fans Day”, na magsisimul­a ang registrati­on ng 8:00 ng umaga, habang bubuksan ang gate ng 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 ??  ?? Golden
Golden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines