Balita

Jenna, Channing, nag-file ng divorce

-

MOVING on na si Jenna Dewan mula sa hiwalayan nila ng kanyang asawang si Channing Tatum.

Nagsampa ng divorce ang 37 taong gulang na aktres laban kay Channing sa Los Angeles nitong Biyernes, dahil sa umano’y “irreconcil­able difference­s”, kinumpirma ng Entertainm­ent Tonight.

Lumabas ang balita anim na buwan makaraang ihayag ng couple ang kanilang paghihiwal­ay.

Ayon sa court documents na nakuha ng The Blast, humiling si Jenna ng joint legal at physical custody para sa anak nilang si

Everly. Humihingi rin siya ng child support at spousal support mula kay Channing, gayundin na maibalik ang kanyang pangalan bilang Jenna Dewan, sa halip na Jenna Dewan Tatum. Nagsumite rin umano si Channing ng response, kung saan humiling din siya ng joint physical at legal custody sa kanilang limang taong gulang na anak.

Naghiwalay sina Jenna at Channing makaraan ang walong taong pagsasama noong Abril.

“We have lovingly chosen to separate as a couple,” pahayag nila sa joint statement nang mga panahong iyon. “We fell deeply in love so many years ago and have had a magical journey together. Absolutely nothing has changed about how much we love one another, but love is a beautiful adventure that is taking us on different paths for now.”

Napabalita na may relasyon umano si Channing sa singer na si Jessi J. kamakailan.

“Channing and Jenna truly planned to be together forever, so dating other people is a huge step for both of them,” lahad ng source. “Even announcing their split was difficult because their fan base loved them as a couple.”

“They are both trying their very best to give each other the space they both need to move forward in life,” dagdag pa nito. “They want their relationsh­ip to stay healthy for their daughter Everly. They both plan to make her their very first priority.”

 ??  ?? Channing at Jenna
Channing at Jenna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines