Balita

Salita ng taon: Tokhang

- Ni ERMA R. EDERA

Ang “Tokhang” ang napiling 2018 Salita ng Taon sa Sawikaan 2018: Pambansang Kumperensi­ya sa Salita ng Taon, na idinaos nitong Biyernes sa University of the Philippine­s (UP) sa Diliman, Quezon City.

Ang nasabing salita ay nominated ng gurong si Mark Angeles.

Ang “Tokhang” ang operasyon ng pulisya kontra ilegal na droga na nangangahu­lugang kumatok at makiusap.

Gayunman, naging kontrobers­iyal ang Oplan Tokhang ng Philippine National Police dahil sa napakarami­ng napapatay sa mga operasyon ng pulisya, dahil umano sa panlalaban ng mga drug suspect, bukod pa sa mga pamamaslan­g na sinasabing kagagawan ng mga grupong vigilante.

Pumangalaw ang “Fake news”, habang nasa ikatlong puwesto naman ang “Dengvaxia”.

Ang “Foodie” naman ang tinanghal na “online favorite”, batay sa isinagawan­g botohan nitong Biyernes ng hapon.

Nominado rin ang mga salitang Dilawan, Federalism­o, Quo Warranto, TRAIN, Resibo, DDS, at Troll.

Taun-taong, nagno-nominate ang mga propersor at iskolar ng mga salita o parirala na naging bahagi ng araw-araw na pananalita ng mga Pilipinas sa nakalipas na dalawang taon, at ito ang pinagbobot­ohan ng panel para piliin ang Salita ng Taon.

Una nang kinilalang Salita ng Taon ang “Canvass” (2004), “Huweteng” (2005), “Lobat” (2006), “Miskol” (2007), “Jejemon” (2010), “Wangwang” (2012), “Selfie” (2014), at “Fotobam” (2016).

Ang Sawikaan 2018 ay inorganisa ng Filipinas Institute of Translatio­n, Komisyon sa Wikang Filipino, at UP-Diliman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines