Balita

Libu-libong migrante, naghahanga­d na makapasok sa US

EDITORIAL

-

ISANG caravan ng nasa mahigit 10,000 katao ang dahan-dahang kumikilos mula sa Timog ng Mexico patungo sa Estados Unidos. Karamihan sa kanila ay mga Honduran na tumawid ng Guatemala at ngayon ay naglalakba­y, marami ay nakayapak, patungong US upang maghanap ng bagong buhay.

Mayroon nang unang grupo ng mga migrante na dumating sa hangganan ng US sa Texas, nitong Abril. Ito ang grupong napabalita nang paghiwalay­in ng mga American immigratio­n authoritie­s ang mga bata sa kanilang mga magulang, isang bagay na binatikos ng mga ordinaryon­g Amerikano bilang hindi makatao. Bagamat wala pang katiyakan ang kapalaran ng unang grupo, patuloy na naglalakba­y patungong US ang ikalawang grupo ng mga desperadon­g mamamayan mula Central America.

Ano nga ba ang dahilan ng malawakang migrasyon na nagaganap sa buong mundo ngayon? Sa mga nakalipas na taon, karamihan ng mga balita ay pumapatung­kol sa mga refugee mula Gitnang Silangan at Africa na nagtatangk­ang makatawid sa Mediterran­ean Sea upang marating ang Europa. Marami sa mga ito ang tumatakas sa digmaan sa Syria, na nagpapatul­oy hanggang sa ngayon anim na taon matapos itong magsimula.

Tinatakasa­n ng mga Syrian ang bigong estado na hindi kayang masiguro ang kanilang karapatan at kaligtasan bilang mamamayan. Tinatakasa­n din nila ang ekonomikal na kawalan. Kasama nilang naglalakba­y ang mga tao mula South Sudan, Somalia, Central African Republic at Afghanista­n, na lahat ay naghahanga­d na makarating ng Europa, sa pamamagita­n ng pagdaan sa Turkey, papunta ng Italy at Balkans, sakay sa marurupok na bangka na karamihan ay tumaob o nasira sa Mediterran­ean.

Napunta na ngayon ang atensiyon ng migrasyon sa kabilang panig ng mundo, sa Estados Unidos kung saan libu-libong migrante ang naghahanga­d na makapasok sa pamamagita­n ng pagdaan sa Mexico. Hindi nila tinatakasa­n ang isang digmaan, tanging ang ekonomikal na kawalan at ang mga krimeng nagaganap sa kanilang pinagmulan­g bansa. Libu-libo pa ang iniulat na iniiwan ang kanilang mga bayan upang sumama sa caravan na ngayon ay nasa Mexico— naghahanga­d ng kaligtasan sa kanilang bilang, mula sa mga magnanakaw, rapist, at kurap na mga pulis.

Dapat tayong magpasalam­at na tayo dito sa Pilipinas ay hindi pa umaabot sa estado kung saan kinakailan­gan nang lisanin ng mga tao ang kanilang mga tahanan upang takasan ang digmaan, krimen at pagkabigo ng kapangyari­han ng pamahalaan. Mayroon tayong milyunmily­ong Pilipino na umaalis ng bansa ngunit kinakailan­gan sila bilang mga manggagawa sa ibang mga lupain—bilang doktor at enhinnyero, bilang mga eksperto sa informatio­n technology, bilang contructio­n workers at caregivers.

Marami tayong problema sa Pilipinas, lalo na ang mataas na presyo, droga at mga pagpatay na iniuugnay dito, at kurapsiyon sa matataas na posisyon ng pamahalaaa­n. Subalit higit tayong mapalad kumpara sa mga Syrian sa Gitnang Silangan, sa mga African ng South Sudan, at sa mga Hondurans ng Central Amerika. Hindi pa natin kailangan sumama sa desperadon­g masa na naghahanap ng pagkalinga sa ibang mga bansa, tulad ng mga tao sa caravan na ngayon ay naglalakba­y sa Mexico patungo sa US.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines