Balita

‘Gate to China’ binuksan sa Davao

- Nina ANTONIO L. COLINA IV, BELLA GAMOTEA at GENALYN D. KABILING

Asahan ang pagdagsa ng mas maraming turistang Chinese sa Davao City, sinabi ni Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi, na nitong Linggo ay pinasalama­tan si Pangulong Rodrigo R. Duterte at anak nitong si Mayor Sara, sa pagbubukas ng “gate to China.”

Sinabi ni Wang na ang pagtatayo ng Consulate General sa Davao ay magpapalak­as sa subnationa­l interactio­ns ng dalawang bansa at mabibigyan­g-pansin ang Davao bilang “pioneer and shining example.”

“I believe more Chinese visitors will come to Davao to enhance the friendship between our two people’s and contribute to the developmen­t of this city and the Southern Philippine­s,” aniya sa inaugurati­on ceremony ng Consulate General of the People’s Republic of China nitong Linggo.

Pinuri ni Pangulong Duterte ang muling pagsigla ng relasyon ng Pilipinas at China.”We have normalized our relationsh­ip and I thank you China for all the things that you have done for me,” aniya.

Sa parehong araw, inilunsad ng Hong Kong-based Cathay Pacific Group ang direct Davao-Hong Kong flights, apat na beses sa isang linggo.

Sa datos na inilabas ng City Tourism Office (CTO) kahapon, tinatayang 7,907 turistang Chinese ang bumisita sa lungsod mula Enero hanggang Setyembre.

Mainit na tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin Jr. ang pagbubukas ng Chinese Consulate General. “May this be a continued testament to an immemorial friendship,” aniya.

Kahapon, nagpulong sina Locsin at Wang sa Davao City para talakayin ang kooperasyo­n ng Pilipinas at China sa iba’t ibang larangan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines