Balita

Kris, hindi lang pera ang ipinaglala­ban

- Ni DINDO M. BALARES

PARA mai-update ang milyunmily­ong followers sa kanyang iba’t ibang online platforms, nagpainter­byu si Kris Aquino kay Katotong Anna Pingol.

In-upload ito sa threepart video series na may titulong Life Update With Kris. Isa sa mga itinanong ni Anna ang tungkol sa pagpapagam­ot ni Kris sa kanyang karamdaman.

“I’m still getting used to my medication, andami kong iniinom,” kuwento ni Kris. “A lot of antihistam­ines, ‘tapos mayroon pa ako ng aking beta blockers because hypertensi­ve ako.

Apart from that, mayroon din akong gamot para sa migraine. I am a walking pharmacy.” Tungkol sa mga kasong isinampa niya laban sa dating managing director ng kanyang Kris C. Aquino Production, ito ang kanyang pahayag:

“I’m not allowed to talk, kasi it is still being investigat­ed by the city prosecutor­s. All I’m allowed to say is thathinain namin in seven different cities, only because whatever it is na sinampa, occurred in seven different cities.

We do not want to be accused of making this a trial based on public opinion.” Nilinaw din ni Kris na hindi lang ang halaga ng pera na sinasabing nawala sa kanya ang ipinaglala­ban niya.

“It was my health that suffered,” paliwanag ng Queen of Online World and Social Media. “And I think ‘yon ‘yong sana ay maintindih­an nila. Yong pinagdaana­n ng mga anak ko, ‘yon ‘yong every night ‘pinagdadas­al kong mapatawad.

So I would not have taken it to this level had it not been my health, and had it not been my children suffering. Nakita ko rin how my siblings worried, because we’ve been through illness.

Sana maintindih­an din ng mga tao na umabot ang stress level na nag 190/110 ang BP ko. I wish it never had to happen.” Ayon pa sa kanya, maaari pa niyang kitain ang anumang perang nawala sa kanya.

“I could always earn the money back, and God has really been so good.

There have been so many new offers coming our way, na definitely kung ano man ang nawala, in the next two years, kikitain ‘yon. But I cannot pay to extend my life. What I can do is to give my children the assurance na come what may, their future is secured.”

Napagkuwen­tuhan din nina Kris at Anna ang love life nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Para kay Kris, natapos at nasarhan na nila ito nang maayos.

 ??  ??
 ??  ?? Kris
Kris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines