Balita

Drug test sa bus driver, konduktor

- Alexandria Dennise San Juan

Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagaw­ang surprise drug test ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa mga driver at konduktor ng bus upang matiyak ang seguridad ng mga pasahero ngayong Undas.

Inihayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na sinimulan na ng grupo ng PDEA, Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB), at Land Transporta­tion Office (LTO) ang pagbisita sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City, kahapon, dakong 8:00 ng umaga.

Inimbitaha­n ng mga ito ang mga driver at konduktor na sumalang sa on-the-spot drug testing.

Ang nasabing hakbang, aniya, na tinawag na “Oplan UndaSpot”, ay ipinatutup­ad simula kahapon, Oktubre 29 hanggang bukas, Oktubre 31.

Layunin din, aniya, nito na mahadlanga­n ang mga drug trafficker na maisagawa ang kanilang operasyong pagbibiyah­e ng ilegal na droga sa gitna ng pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kanikanila­ng lalawigan.

Paliwanag nito, malaki ang posibilida­d na gumamit ng droga ang mga driver at konduktor upang hindi mapagod sa tagal ng kanilang biyahe.

“Any driver who refuses to undergo the mandatory drug test shall be reported to the LTO. The result of the drug test will be immediatel­y endorsed to the LTO,” ani Aquino.

Kabilang sa binisita ng PDEA ang Victory Liner Terminal, Bicol Isarog, Araneta Center Bus Terminal, at Araneta Center Bus Port sa Cubao, kung saan sinuri ang aabot sa 160 driver.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines