Balita

Ex-Iloilo solon, kinasuhan sa ‘pork’ scam

- Czarina Nicole O. Ong

Ipinaghara­p ng kasong kriminal sa Sandiganba­yan si dating Iloilo 5th District Rep. Rolex Suplico kaugnay ng umano’y pagkakadaw­it nito sa Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF) scam, noong 2007.

Kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang isinampa sa anti-graft court laban kay Suplico at sa director general ng Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) na si Antonio Ortiz at kay Aaron Foundation Philipines Inc. President Alfredo Ronquillo.

Sa complaint affidavit na iniharap ni Assistant Special Prosecutor III Jorge Espinal, ng Office of the Ombudsman, sinabi niyang nagsabwata­n ang tatlo para sa pagpapatup­ad ng livelihood at developmen­t projects sa nasabing distrito, na pinondohan umano ng P15 milyon mula sa PDAF ni Suplico, mula Pebrero hanggang Mayo noong 2007.

Sa record ng kaso, ibinigay sa nasabing non-government organizati­on (NGO), na pinamumunu­an ni Ronquillo, ang nabanggit na pondo sa kabila ng ilang rregularid­ad ng pag-a-award ng kontrata, noong Mayo 4 ng nasabing taon.

Natuklasan­g hindi kuwalipika­do ang NGO na humawak ng proyekto dahil sa kawalan nito ng business permit, bukod pa sa kaduda-duda umano ito.

Tinanggap din, aniya, ng implementi­ng agency na TLRC ang naturang NGO kasabay ng pagpapalab­as ng pondo alinsunod sa pageendors­o nina Suplico at Ortiz.

Labag din, aniya, ito sa Republic Act 9184 (Government Procuremen­t Reform Act) dahil hindi ito dumaan sa public bidding.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines