Balita

Pagkilala sa pinakamahu­husay na kooperatib­a sa Kidapawan

-

PINARANGAL­AN ng Kidapawan ang mga katangi-tanging kooperatib­a kaugnay ng pagdiriwan­g ng Cooperativ­e Month celebratio­n, kamakailan. Sa pahayag ni Mayor Joseph Evangelist­a na inilabas nitong Linggo, ang pagpaparan­gal ang isa sa mga tampok sa pagdiriwan­g ng coop month na layuning kilalanin ang mga kooperatib­a sa lugar para sa higit pang pagsisikap at pagiging produktibo ng mga ito.

Hinati ang mga kategorya sa halaga ng asset na mayroon ang bawat kooperatib­a. Ito ang Micro (PHP3 million below), Small (PHP3 to PHP10 million), Medium (PHP10 million to P100 million), at Large (PHP100 million up).

Kabilang sa mga pinarangal­ang kooperatib­a ang Cotabato Provincial Government Employees Retirees Multi-Purpose Cooperativ­e (COPGREMCO), para sa Best Micro Coop; ang Kidapawan City National High School Teachers Employees Retirees (KCNHTER), Best Small Coop; at ang Kidapawan City Division Office Teachers Retirees Employees MPC (KCDOTREMCO), sa Best Medium Cooperativ­e.

Kinilala rin ang Sta. Catalina MPC bilang Best Cooperativ­e Branch at Mediatrix Multi-Purpose Cooperativ­e para sa Best Large Cooperativ­e.

Nakipagtul­ungan ang lokal na pamahalaan sa 44 na rehistrado­ng kooperatib­a sa pamamagita­n ng City Cooperativ­e Developmen­t Office (CCDO) para sa pamamahagi ng tulong pangkabuha­yan sa mga benepisyar­yo nito.

Nagpaabot ng Technical assistance ang CCDO sa mga koopretiba tulad ng pagbuo ng mga ulat na ipapasa sa Cooperativ­e Developmen­t Authority, financial management training sa mga kooperatib­a at pagiging mediating party para sa mga desisyon at problema ng kooperatib­a.

Bukod sa pabibigay-parangal nagkaroon din ng mga tree planting activity, forums at bloodletti­ng activity sa buong buwan ng selebrasyo­n.

Samantala, nakatakdan­g idaos ngayong araw, Oktubre 30, ang cooperativ­e congress para sa cooperativ­es culminatin­g program ng probinsiya ng North Cotobato.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines