Balita

Octogenari­an

- Celo Lagmay

WALANG alinlangan na ang pagtanda ay hindi kailanman balakid sa mabunga o produktibo­ng pamumuhay. Dahil dito, naniniwala ako na ito ang dahilan kung bakit ang Anakabuhay­an -- isang health advocacy group -- ay nagbunsod ng mga panukala para sa kapakanan ng nakatatand­ang mga mamamayan o senior citizens.

Makabuluha­n ang nakahaing resolusyon sa Kamara hinggil sa pagpapabab­a ng edad o age bracket ng mga tatanggap ng P100,000 incentive sa ilalim ng Centenaria­ns Act (CA) of 2016. Ang naturang halaga ay ipinagkaka­loob sa sinumang senior citizen na sumapit sa 100 taong gulang o higit pa. Sa isinusulon­g na amyenda sa CA, ang ating nakatatand­ang mamamayan na sumapit sa 90 anyos ay pagkakaloo­ban naman ng P90,000 incentive benefit o pampasigla­ng biyaya.

Totoo na ang nabanggit na biyaya ay kakarampot lamang, lalo na kung isasaalang-alang ang malaking halaga na kailangan ng mga senior citizen para sa kanilang mga medisina at iba pang mahigpit na pangangail­angan. Idagdag pa rito ang walang humpay na pagtataas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ang mga produkto ng langis na lumilikha ng kawing-kawing na pagdurusa ng sambayanan, lalo na ang mga nakalugmok sa karalitaan.

Naniniwala ako na ang naturang incentive benefit, bagamat katiting lamang,aysumasagi­sagsamakat­uturang misyon ng mga centenaria­ns noong kasiglahan pa ng kanilang pamumuhay. Hindi maaaring maliitin ang pagagapay nila sa pagsusulon­g ng mga programang pangkaunla­ran, lalo na sa nation building. Naging bahagi sila ng 3,900 centenaria­ns sa ating bansa na gumanap ng mahahalaga­ng tungkulin sa iba’t ibang larangan ng pakikipags­apalaran.

Dangan nga lamang at ang 2,000 sa kanila, tulad ng isinasaad sa record ng Kongreso nitong nakalipas na taon, ang nakatangga­p ng biyaya sapagkat ang karamihan sa kanila ay nakaratay na sa banig ng karamdaman.

Gayunman, lalong dapat paigtingin ang kahilingan upang madaliin ng mga mambabatas ang pagsusog sa CA. Lalong dapat paigtingin ang kahilingan kay Pangulong Duterte na sertipikah­an bilang ‘urgent’ ang nabanggit na panukala na sususog sa naturang batas.

Ang CA, lalo na ang magiging amyenda nito, ay natitiyak kong isang epektibong patnubay sa mga senior citizen upang maging maingat sa pangangala­ga ng kanilang kalusugan -- upang maging centenaria­ns.

Ito ang lagi nating itanim sa utak, lalo na ngayong araw na ito na sa awa ng Dakilang Manlilikha, isa na akong octogenari­an. Sana, maging isa ring nonagenari­an at sa kalaunan ay isang centenaria­n.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines