Balita

I was born to be a fighter, I refuse to lose!—Kris

- Reggee Bonoan

MABABASA sa Facebook page ni Kris Aquino ang three-part “life update” niya para sa kanyang supporters, na nagtatanon­g tungkol sa kalusugan at career niya.

Ikinuwento ni Kris kung ilang klase ng gamot ang iniinom niya araw-araw para sa hypertensi­on, bouts with migraine at allergy, bukod pa sa mga vitamins. Tinawag din niya ang sarili bilang “walking pharmacy.” “At least buhay,” saad niya.

At tungkol naman sa demanda laban sa taong nanloko sa kanya, na milyones ang halagang nakuha, ayaw nang magbigay pa ng detalye ni Kris, dahil baka makaapekto pa sa kaso at baka makatulong pa ito sa akusado.

Para kay Kris ay hindi lang ang perang nakuha sa kanya ang ipinaglala­ban niya, dahil kaya naman niyang kitain ito. Mas nagaalala siya na baka ma-stress din sina Josh at Bimby sa pag-aalala sa kanya.

“It was my health that suffered. I would not have taken it to this level had it not been my health, and had it not been my children suffering,” katwiran ng Queen of Online World and Social Media.

Hindi naman pinalampas ni Kris ang basher na nagsabing mayabang siya kaya inabot niya ang ganito.

“If gusto ng marami lumagapak ka at hindi ka na makabangon then kailangan bilib ka talaga sa sarili mo. Because I was born to be a fighter and I really refuse to be left on my knees. I refuse to lose,” diretsong sagot niya.

“Hindi naman ninakaw ang pinambayad ng aming mga bahay at lupa, huwag na akong diktahan na ibalik ang buhay namin sa kadiliman.

“My belief is simple, do not harm yet accept no bullying either. Life is too short to spend it explaining my actions to people preconditi­oned to misunderst­anding. I prefer to breathe.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines