Balita

Via Ortega, Viva Artist star na rin

- Mercy Lejarde

TIPONG lucky year ngayon ng teen star cum singer, at dancer na si Via Ortega.

Matapos itong mag-work shop in acting, dancing and singing sa Star Magic at Jams Artist Production­s at napasama sa iba’t-ibang mall tour ay nakuha itong endorser ng Erase cologne and soap, bukod pa sa endorser rin siya ng Yellow and Pink Spa at Yellow and Pink Bubbles Laundry Shop.

At kamakailan lang ay nagustuhan ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films ang beauty at singing voice ni Via kaya agad niya itong pinapirma ng five years contract at mapabilang sa Viva Artist talents nila.

Pagka-pirma niya sa kontrata ay agad siyang pinag-pictorial ng ilang Viva Executives para sa profile photo album ng Viva Talents. In fairness, very warm ang pagwelcome kay Via ng mga Viva bossings gaya nina Boss Vic, Boss Vincent del Rosario at Madam Veronique del Rosario, na in-charge sa Viva Talents, at ni Valerie del Rosario na in-charge naman sa Viva Sari Sari Channel.

“God is good po talaga dahil lagi po akong nagdarasal na sana ay maging contract artist ako Viva Films tulad nina James Reid, Nadine

Lustre at Sarah Geronimo na mga idols ko. At sana nga po, makasama ko sila kahit man sa mall tours nila or singing engagement­s nila here and abroad.

“Nagsimba po ako talaga bago ako pumunta ng Viva Films office kasama ko po ang Daddy at Mommy plus ‘yung bunso kong kapatid na si

Santina plus my Tita Jane and Tita Micah lalong lalo na po si Tita Mercy Lejarde.

“Malamang po itong darating na November ay makumbinsi­e na rin namin si Boss Vic na igawa ako ng music album under Viva Records.

“Bukod po kasi sa pagpirma ng contract sa Viva ay isasalang na rin nila ako sa workshop in acting, dancing, and singing for free para mahasa daw po nila kung anuman ang taglay kong talents. Tapos naka-sched din daw po ako na maging guest sa Viva Sari Sari Channel ni Boss Valerie.

“Para po sa akin ay dream come true ang lahat nang nangyayari sa pagpasok ko sa ating showbiz industry na talagang pinagpray ko po talaga kay Lord God Jesus Christ. Hindi po niya ako binigo. And if I may repeat, God is good all the time. “Salamat din ng marami sa Daddy

Rommel at Mommy Grace ko na talagang in full support sa aking showbiz career. Nand’yan lang sila lagi para sa akin. Kaya lagi po akong nagpo-post sa facebook na mahalin natin lagi ang ating mga magulang,” ang mahabang litanya ni Via na harinawa nga ay masundan ang yapak ng kanyang mga idolo gaya nina Sarah, Nadine, at James. Isama na rin ang mga Korean stars idols niya, lalo pa nga at may pagka-K pop ang looks niya, in fairness.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines