Balita

Why hasn’t Nora been honored with the National Artist Award? –Lea

- Ni NITZ MIRALLES

MULI na namang nanawagan si Lea Salonga sa fans at followers sa pamamagita­n ng Twitter at post niya: “Here’s a question for you al. Why hasn’t Nora Aunor been honored with the National

Artist Award? I ask sincerely, because given her talent and body of work, I’m surprised it hasn’t happened yet, her previous troubles aside. Thanks.”

Maganda ang sagot kay Lea ng Twitter followers niya as to why hindi pa napoprokla­mang National

Artist si Nora, at anang fan, may kinaalaman daw ito sa pulitika.

May nag-comment pa na may politicall­y powerful rival si Nora, kaya mahihirapa­n siyang maging National Artist. May nagsabi namang sa showbiz industry, kailangan pang mamatay muna ng isang artist bago kilalanin.

Mayroon ding nagpasalam­at kay Lea “(for) taking stand when others are too afraid to give their opinions.” May nag-tweet pa nga na si Lea pa lang, “among Ate Guy’s peers ang nagbigay ng pansin & in a way support kay Ms Nora Aunor na dapat ang buong industria ang cyang nag iingay sa INJUSTICE na ito, bcoz Ate Guy is representi­ng the “whole” showbiz industry.” Matatandaa­ng pati sa termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino, hindi rin naproklama­ng National Artist ang superstar at ang rason daw ay moralidad. Pero, tanong ng supporters ni Nora, lahat ba ng mga naproklama­ng National Artists ay walang bahid ng dungis ang mga pangalan at walang nagawang kasalanan?

 ??  ??
 ??  ?? Lea
Lea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines