Balita

‘Bubble Gang’ at ‘Pepito Manaloto’, longest-running pareho

- Ni MERCY LEJARDE

MATAGAL na sa mundo ng telebisyon ang GMA7’s Bubble Gang at Pepito Manaloto na pinamumunu­an ni

Michael V.

“Yes, 23 years na kami sa ‘Bubble Gang’ at nine years sa ‘Pepito Manaloto’ and counting.” Masayang bungad sa amin ni Michael V. nang makatsikah­an namin siya sa press set visit sa taping nila sa Casa Milan ng Pepito Manaloto sitcom.

Dalawampu’t tatlong taon nang umeere ang Bubble Gang at nine years na ang Pepito Manaloto. Wow! Edi, puwede na siyang ihilera sa top 10 showbiz millionair­es sa ‘Pinas?

“Ganu’n ba ‘yon? Hahaha! Hindi yata. Dapat top ten longest running program, puwede ‘yan. Puwede ako diyan, pero ‘yung millionair­e parang …hahaha… ‘yung character lang ‘yon,” kontrang sabi ni Bitoy. O, sige na nga.

Nagbibigay rin ba siya ng suggestion­s para mas lalong maging creative at tumagal ang dalawa nasabing programs?

“Dito sa Pepito Manaloto, ako ang creative director. Actually, sa Bubble Gang medyo naglie-low ako ng konti sa pagiging creative dahil may isa pa kaming project na tinatapos na medyo hindi pa puwedeng i-reveal for now.” Another tv show?

“Not necessaril­y. Pero it’s another project.”

Pelikula?

“I will not confirm nor deny it, hahaha!” Anyway, excited si Bitoy sa 23rd anniversar­y presentati­on ng Bubble Gang sa November. Naiiba raw ito dahil parang movie o teleserye ang style. Noong nakaraang taon ay musical stageplay ang presentati­on nila.

Basta masaya siya sa nangyayari­ng developmen­t sa Bubble Gang na number one pa rin at walang katulad na ibang show sa ngayon, sa true lang.

 ??  ?? Michael V.
Michael V.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines