Balita

Derek, sure na babalik sa GMA

- Ni NORA V. CALDERON

TULOY na ang pagbabalik ng aktor na si Derek Ramsay sa GMA Network. Dalawang beses na pala siyang nakipagpul­ong sa mga executives ng Kapuso Network at natuwa siya dahil sa second meeting ay inimbitaha­n pa nila ang parents niya. Natatandaa­n namin, proud si Derek kapag laging naiimbita ang parents niya sa okasyon na pupuntahan niya.

Pero hindi pa ngayon magaganap ang pagbabalik ni Derek dahil may mga inaasikaso pa raw siya. Gusto nga raw nila ay magsimula na siya ngayong November pero may inaasikaso pa

siyang business na kasama ang mag-asawang John Estrada

at Priscilla

Meirelles. Ang naturang negosyo ay ang Rising Era Dynasty, na isa siya sa mga investors. Dagdag pa ni Derek, malaking factor sa pagbabalik niya ang best friend niyang si John at matutuwa raw siya kung magkakasam­a sila sa isang project.

Tama pala ang balita na may offer sa kanyang teleserye ang GMA kasama si Jennylyn Mercado, pero hindi muna niya ito tinanggap dahil next year pa niya gustong magsimula ng trabaho sa network. Marahil ay ito ang dahilan kaya lumutang ang first team-up nina Gabby

Concepcion at Jennylyn, at magsisimul­a na sa November ang taping ng romanticco­medy series na pagsasamah­an ng dalawa.

Wala rin daw ngayon ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong at sa pagbabalik pa nito mapa-finalize ang naturang usapin.

Dati nang nasa bakuran ng GMA si Derek noon ay naging isa siya sa mga host ng Eat Bulaga at nakagawa na rin ng project sa GMA7.

 ??  ?? Derek
Derek

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines