Balita

‘Blexit’ movement, suportado ni Kanye West

-

OPISYAL nang ipinahayag ni Kanye West ang kanyang pagsuporta sa “Blexit” movement ni Candace Owens, at marami ang hindi ito nagustuhan. Sa “Blexit,” na pinaikling “black exit,” hinihikaya­t ang mga black na sumusuport­a sa Democratic Party na lumiban sa Republican Party. Ito ay Brexitinsp­ired title, ayon sa Yahoo Celebrity.

Sa paliwanag ng Page Six, inilabas ng rapper ang “Blexit” merchandis­e nito sa Turning Point USA’s Young Black Leadership Summit sa Washington nitong Sabado. Si Candace ang nagsisilbi­ng Turning Point USA’s communicat­ions director; noon ay pinuri na ni Kanye ang conservati­ve thought leader sa Twitter.

“Blexit is a renaissanc­e, and I am blessed to say that this logo, these colors, were created by my dear friend and fellow superhero Kanye West,” paglalaraw­an ni Candace sa bagong shirt sa event, ulat ng Page Six. Bilang karagdagan san aka-print na pangalan ng movemen, ilang shirt rin ang may print na “We Free.” Iniulat din ng Page Six na inihayag umano ni Candace sa mga taong dumalo sa conference na Kanye “has taken one of the boldest steps in America to open a conversati­on we have needed to have.”

Kamakailan ay nakipagkit­a ang Yikes rapper kay President Donald Trump sa Oval Office at nag-deliver siya ng speech na patungkol sa iba’t ibang issues. Sinabi ni Kanye na ang pagsusuot ng “Make America Great Again” hat ay naging dahilan niya “(to) feel like Superman”.

Ngunit nilinaw ng The Hill na hindi pa tuluyang inabandona ni Kanye ang Democratic Party. Iniulat na nag-donate ito ng $73,000 sa kampanya ni Amara Enyia sa pagka-mayor ng Chicago, at si Amara ay isang Democratic candidate.

Hindi lahat ay sumang-ayon sa pagtanggap ni Kanye sa Pangulo at ganoon din sa “Blexit” movement.

Gayunman, mukhang may mga tagasuport­a ang movement dahil may dumalo sa event nila at mayroon ding nagpapahay­ag ng suporta sa Twitter.

Kung anuman ang opinyon ng publiko tungkol sa “Blexit”, mukhang magiging matagal ang movement na ito. Sinabi ni Candace sa event nitong Sabado na “the Blexit movement will spend 2019 holding rallies in every major city in America that the Democrats have destroyed,” ayon sa Page Six.

 ??  ?? Kanye
Kanye

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines