Balita

Ika-74 na labas

-

MATAGAL ding nakausap ni Fermin ang mahiwagang babae sa may gate nila nang lumabas si Nena. Halatang si Nena ang hindi nakakita sa kausap ni Fermin.

“Nasiraan ka ulit? Ayaw bang umandar?” tanong ni Nena. “Hindi...”

“E, bakit ang tagal mong nakahinto?”

Kanina ka pa ba d’yan?” “Hindi pa naman nagtatagal. E, bakit hindi ka sa unahan ng dyip nakatingin at parang may kausap kang nasa unahan ng sasakyan mo?”

Ibig sanang itanong ni Fermin: Hindi mo talaga nakita ang babaeng kausap ko? Hindi na lang niya itinuloy ang pagtatanon­g. Baka magsilbi na namang katatakuta­n iyon kay Nena. Mabuti nga at nawawala na yata sa isip nito ang mga katatakuta­n.

Pero hindi talaga mawala sa isip niya. Hindi n’iya maihanap ng paliwanag kung bakit hindi makita ni Nena ang kausap niyang babae. Iyon din kaya ang babaeng sinasabi ni Nena na siya naman ay hindi makakita noon?

Makukulta yata ang isip niya ay hindi niya msre-reconcile ang mga isiping iyon.

Humpt! Bakit ba kung ano-ano ang iisipin niya? Siguro, malulutas din ang kababalagh­ang iyon. Kung hindi ang isip niya, baka panahon ang makalutas.

Oras na ng hapunan, hindi pa rin mawala sa isip ni Fermin ang tungkol sa babaeng iyon.

“Hindi ka yata makakain, ‘Ney,” puna ni Nena. “Hindi mo ba gusto ang niluto kong ulam?”

“Gusto naman...” sabi ni Fermin. “Kaya lang, naparami ang miryenda ko bago ako bumiyahe.

Na isang malaking kasinungal­ingan. Sa totoo lang, medyo nagugutom na siya sa daan pero ang sabi niya sa sarili ay sa bahay na siya kakain ng marami.

Aaa, hindi nawala sa isip niya ang babaeng iyon!

Si Nena, sa isang banda, ay hindi na naman nag-usisa tungkol sa nakaraang eksena.

Pagkakain ng hapunan, nanood sila ng telebisyon. Sa panig ni Fermin, ibig niyang malibang. Pero tuksong hindi mawala sa isip niya ang babae. Habang lumalaon, lalo yatang nagmarka ng malalim sa utak niya ang larawan ng babae. Kung marunong marahil siyang mag-drawing, maidedetal­ye niya sa papel ang mukha niyon.

Likas na hindi mahilig sa mga babae si Fermin. Sa pagkatanda niya, iisang babae lamang ang niligawan niya. At iyon ay si Nena. Kung nagkaroon man siya ay mga crushes, hanggang doon lang.

Pero anong hiwaga tong nangyayari sa kanya? Bakit hindi mawala sa utak niya ang babaeng? At lolokohin niya ang kanyang sarili kung sasabihin niyang paghanga lang ang nararamdam­an niya. Noo! Aaa, paano niya ikakailang nagkakaroo­n yata siya ng matinding pagnanasa sa babaeng iyon?

“Kung matulog na lang kaya tayo?” Nasabi na lang niya kay Nena.

“Mabuti pa nga siguro,” sabi ni Nena. “Kanina ko pa napapansin, hindi yata sa panonood ng telebisyon nakasentro ang utak mo.”

Alam ni Fermin ang iniisip ni Nena. Na gusto niyang mag-love making sila. Bakit nga ba hindi? Baka maitaboy ng pagmamahal­an ang markadong mukha ng babaeng iyon sa utak niya.

Pero bigo siya. Bigo siyasa puntong alisn sa utak niya ang babaeng iyon. Hindi maaaring mahalata ni Nena ang kanyang kabiguhan dahil hindi naman siya nabigo sa performanc­e. Bigo siya para kay Nena. Dahil hindi si Nena ang nasa isip niya kundi ang babaeng ‘yon!

Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines