Balita

Tabanao, asam ang rematch kay Dogboe

- Gilbert Espeña

NAPAGANDA ni Neil John Tabanao ang katayuan sa super bantamweig­ht at featherwei­ght division matapos pabagsakin sa 10th round at talunin via 10round unanimous decision ang kababayang si Eduardo Mancito nitong Oktubre 27 sa Tolentino Sports and Activity Center, Tagaytay City, Cavite.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ni Tabanao mula nang matalo sa puntos kay Tokyo-based South Korean Tae Il Atsumi noong Abril 23, 2017 sa Osaka, Japan na kaagad niyang sinundan ng panalo via 3rd round TKO kay Thai Yotchancha­i Yakaeo noong Marso 17, 2018 sa Bendigo, Victoria, Australia para mauwi ang WBF Asia Pacific super bantamweig­ht title.

Bago ito, natalo sa 12-round unanimous decision si Tabanao kay Isaac Dogboe sa kanilang unificatio­n bout para sa hawak niyang WBO Oriental featherwei­ght title at hawak ng Ghanaian na WBO Africa 126 pounds title noong Agosto 26, 2016 sa Accra, Ghana.

Maganda ang ipinakita ni Tabanao sa laban kay Dogboe ngunit mahirap manalo sa puntos sa Ghana na kailangang patulugin ang karibal para magwagi. Si Dogboe ngayon ang WBO super bantamweig­ht tilist matapos patulugin sa 11th round ang Mexican American na si Jessie Magdaleno noong Abril 28, 2018 sa Liacouras Center, Philadephi­a sa United States,

Umaasa si Tabanao na muling magbalik sa WBO rankings kaya gusto niyang lumaban sa world ranked fighter sa kanyang susunod na laban para magkaroon ng pagkakatao­n sa rematch kay Dogboe.

 ??  ?? CHAMP! Ipinagkalo­ob ng pamunuan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa pangunguna ng pangulong si Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada (ikatlo mula sa kaliwa) ang mga medalya at regalo sa mga miyembro ng Naga College Foundation matapos magwagi sa Muntinlupa Volleyball Club at tanghaling kampeon sa PVF-Tanduay Athletics Under-18 boys indoor volleyball tournament nitong weekend sa Tanduay Athletics Center (Cantada Sports Center) sa Taguig City. Sumabak din sa one-day event ang Jose Fabella Memorial School, Pasay City High School, Balanga Volleyball Club, Hope Integrated School, Rizal High School, St. Theresa De Avila School at LNN San Jose del Monte.
CHAMP! Ipinagkalo­ob ng pamunuan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa pangunguna ng pangulong si Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada (ikatlo mula sa kaliwa) ang mga medalya at regalo sa mga miyembro ng Naga College Foundation matapos magwagi sa Muntinlupa Volleyball Club at tanghaling kampeon sa PVF-Tanduay Athletics Under-18 boys indoor volleyball tournament nitong weekend sa Tanduay Athletics Center (Cantada Sports Center) sa Taguig City. Sumabak din sa one-day event ang Jose Fabella Memorial School, Pasay City High School, Balanga Volleyball Club, Hope Integrated School, Rizal High School, St. Theresa De Avila School at LNN San Jose del Monte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines