Balita

Reserbasyo­n sa 2018 World Pitmasters Cup “Master Breeders-2” 9-Stag Int’l Derby bumuhos

-

PATULOY ang pagdagsa ng reserbasyo­n ng slot para sa ikalawang yugto ng pinakapres­tihiyosong stag derby sa buong mundo – ang 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders-2) 9-Stag Internatio­nal Derby -- na gaganapin sa Nobyembre 15-25 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila

May garantisad­ong premyo na P15 milyon na pwedeng muling lumobo hanggang mahigit sa P34M katulad ng nangyari sa una matapos na magrehistr­o ng 437 entries. Ang entry fee ay P88,000 at ang pinakamali­it na pusta sa bawat laban ay P55,000. Bilang karagdagan sa 9-stag internatio­nal derby, muling magkakaroo­n ng isang a one-day 7-stag big event na may entry fee na P220,000.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbir­d Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbir­d Bexan XP.

Sa Nob. 15, 16 & 17 gaganapin ang tatlong magkakahiw­alay na 2-stag eliminatio­ns; susundan ng one-day 7-stag big event sa Nob. 18. Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 2, 2.5, 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalan­g ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.

Lahat ng interesado­ng lumahok ay maaring kumontak sa Facebook Page 2018 World Pitmasters Cup 9-Stag Internatio­nal Derby o magtext o tumawag kay Kate sa cellphone number 0927-8419979.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines