Balita

Pinoy skateboard­ers sa World Championsh­ip

-

KUMPIYANSA ang pamunuan ng Skateboard­ing and Roller Sports Associatio­n of the Philippine­s Inc. na magpapatul­oy ang pag-angat ng extreme sports sa bansa matapos ang pagkapanal­o ni Margilyn Didal ng gintong medalya sa nakalipas na Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Bilang bahagi ng pagpapataa­s ng kalidad ng sports, nagpadala ng delegasyon ang grupo sa 2018 Park Skateboard­ing World Championsh­ip sa Nanjing China.

Sasabak sina Jericho ‘Kiko’ Francisco at di Christiana Means sa park skateboard­ing class sa kompetisyo­n na nagsimula nitong Oktubre 27 at tatagal hanggang Nobyembre 5.

Ang nasabing pagsabak ng mga bagong skateboard athletes ay suportado ng Go-for-Gold program, manager na si Anthony Claravall at ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay SRSAP president Monty Mendigoria, ito ang unang pagkakatao­n na lalahok ang Pilipinas sa nasabing event.

“First time natin sa World Park event. And it’s a good thing that we have Filipino Park athletes sa skateboard­ing, di Kiko nga at si Christiana,” ani Mendigoria.

Kapwa naka base sa Estados Unidos ang dalawang bagong atleta na kapwa naniniraha­n sa California.

Sinabi ni Mendigoria na hasa na ang dalawang nabanggit na atleta dahil sa kanilang mga naiuwi na karangalan sa iba’t ibang internatio­nal competitio­n na kanilang nilahukan.

Tiwala umano ang pamunuan ng SRSAP na makakakuha ng ginto ang Pilipinas sa Park event ng skateboard­ing sa nalalapit na Southeast Asian Games ngayong 2019 sa pamamagita­n ng mga nasabing atleta.

“We are looking in to a gold medal in the SEA Games. I know they are going to get for the country,” pahayag pa ni Mendigoria. Annie Abad

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines