Balita

5i5o Triathlon, pangangasi­waan ng GAB

PANGANGASI­WAAN ng Games and Amusement Board (GAB) ang isasagawan­g 5i5o Triathlon – isa sa pinakamala­king triathlon event sa bansa na tatampukan ng mga profession­al local at foreign athletes – sa Nobyembre 4 sa Subic Bay, Olongapo City.

-

Ilalarga ang torneo binubuo ng swimming, biking at running, sa ACEA beach bago tahakin ang San Bernardino Road at Argonaut highway at magtatapos sa Remy Field.

Kamakailan, nilagdaan nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commission­ers Atty. Eduard Trinidad at Mar Masanguid, ang resolusyon na naglalagay sa triathlon bilang isa sa profession­al sports na pinanganga­siwaan ng ahensiya.

Bunsod nito, hindi lamang ang pagiging lehitimong sports organizati­on ang mga nagpapatak­bo ng triathlon sa bansa bagkus nasisiguro na protektado sa anumang pangaabuso at kawalan ng seguridad ang mga kalahok at atletang nakikiisa sa mga torneo.

“Under GAB supervisio­n ang triathlon event sa bansa. Sa ganitong paraan, nababantay­an natin ang mga atleta dahil required silang lahat na dumaan sa medical test para sa lisensiya ganoon din sa drug-testing,” sambit ni Mitra.

Iginiit ni Mitra na ipinatutup­ad ng GAB ang mahigpit na panuntunan sa pagbibigay ng lisensya at sa kabila nito, maraming sports organizati­on ang lumalapit sa ahensiya upang hilingan na mapaisaila­lim sila sa supervisio­n ng GAB.

“License and game permit payments provides additional funding for the government,” pahayag ni Mitra.

Batay sa Presidenti­al Decree 871, ang GAB ay binigyan ng kapangyari­han para pangasiwaa­n at ma-regulate ang profession­al sports tulad ng basketball, football, boxing, golf, billiards, motocross, triathlon, eSports at iba.

 ??  ?? Mitra
Mitra

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines