Balita

Katutubong Laro, yaman ng Lahing Pinoy

- Annie Abad

KAPANGAN, Benguet – Sinabi ni Mindanao State University (MSU) Prof. Henry Daut ang nararapat at napapanaho­n na pahalagaha­n ang katutubong laro na siyang kaluluwa ng lahing Pinoy.

Sa ginanap na Indigenous Peoples Games seminar, sinabi ni Daut na marapat lamang na ipagpatulo­y ang mga laro sa kabila ng kaunlaran at modernong gadgets na pinagkakaa­balahan ang kabataan.

“We need to preserve those games na nilalaro ng ating ancestors and revive it para magkaroon tayo ng preservati­on ng ating cultural heritage,” pahayag ni Daut.

Ayon sa propesor, importante­ng malaman ng mga kabataan ngayon ang mga katutubong­laroupangm­asmarami pang kabataan and mabigyan ng pagkakatao­n na makalahok hindi man sa mga regular sports ngunit sa mga traditiona­l sports na gaya ng mga nilalaro ng mga tribu.

“The level of excitement is the same as the excitement when you are playing or watching the regular sports like basketball or boxing. So ganun din. Now kung may mga bata na Hindi uubra sa basketball why not include them to play these traditiona­l sports,” aniya.

Inamin naman ni Daut na mangangail­angan ng mas malawig pa na pagsasalik­sik para mas lubusang mailaro ang mga traditiona­l sports.

Kasabay ng pagsasagaw­a ng proyekto ng Philippine Sports Commission (PSC) na IP Games ay inilunsad naman ng United Nations Educationa­l, Scientific and Cultural Organizati­on (UNESCO) ang pagpapakil­alang muli sa IP games bukod pa sa pagpapasab­atas nito sa Pilipinas.

“UNESCO is trying to promote the preservati­on of indigenous games at ang Philippine­s ngayon lang nag-uumpisa through the Philippine Sports Commission,” ayon pa kay Daut.

Sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, isinulong ang IP Games, sa pangangasi­wa ni Commission­er-in-Charge Charles Maxey.

Kabilang sa mga katutubong laro na nilalato ngayon dito ay ang sidking aparador, tiklaw, kadangkada­ng, sungka, dama, patintero, prisoner’s base, pangke, pakwel, dad-an di pato, palsi-it, ginuyudan at sanggol.

Ito ang ikaapat na leg ng PSC- IP Games kung saan unang ginanap ang unang tatlong edisyon sa Davao del Norte, Lake Sebu, Ifugao at dito nga sa Benguet.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines