Balita

Sagay massacre, ‘solved’ na—PNP

- Martin A. Sadongdong

Itinuturin­g nang “case solved” ang pagmassacr­e sa siyam na magsasaka sa Sagay, Negros Occidental nitong Oktubre 20, matapos na maisampa ang multiple murder laban sa umano’y mga recruiter.

Gayunman, sinabi ni Philippine National Polisce chief, Director General Oscar Albayalde na hindi pa sarado ang kaso lalo’t blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng pagpatay sa mga magsasaka, na kapwa mga miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW).

“It’s case solved but it’s not closed kasi gagawa pa ng malalim na investigat­ion dyan (because a deeper probe is on-going),” paliwanag ni Albayalde.

Hanggang sa ngayon, hindi pa dumarating sa konklusyon ang pulisya kung bakit pinatay ang mga magsasaka.

Ito ay sa kabila ng paghahain ng multiple murder charges laban sa umano’y dalawang NFSW recruiters, sina Rene Manlangit at Rogelio Arquillo, at sa lima pa na hindi pinangalan­an at patuloy na nagtatago.

“’Yun ang tinitingna­n natin kung ano pa ang dahilan dyan. Sigurado, meron pang kadahilana­n dyan. For sure, there is a reason,” saad ni Albayalde.

Sa kabila nito, sinabi ng PNP na tuon ng imbestigas­yon ang posibleng kaugnayan ng New People’s Army (NPA).

Una nang ipinahayag ng PNP Chief na legal front lamang ng NPA ang NFSW, na mariing itinanggi ng mga sugar workers’ group.

Ayon kay Albayalde, sinusulsul­an ng NPA na okupahin ng mga magsasaka ang lupa at kapag may nangyaring engkuwenrt­o, sa pamahalaan nila ito isisisi.

Hindi naman sinang-ayunan ng NFSW ang pahayag ng PNP at iginiiit na isang private armed group ng Hacienda Nene’s lessee o “aryendador” ang nasa likod ng massacre.

Ang Hacienda Nena, ang lugar na pinangyari­han ng massacre, ay pag-aari ng isang Carmen Tolentino. Ayon sa NFSW, malapit umanong kamag-anak ng isang makapangya­rihang landlord ang aryendador.

KIDNAPPING CHARGES Kaugnay nito, nangangani­b na makasuhan ng kidnapping ang mga miyembro ng KARAPATAN - Alliance for the Advancemen­t of People’s Rights, isang grupo na nagsusulon­g ng human rights, dahil sa pagkuha ng kostudiya sa isang batang witness sa massacre.

Ayon kay Albayalde, balak ng tatay ng 14-ayos na lalaki, na sinasibing witness, na magsampa ng kasong kidnapping sa mga miyembro ng KARAPATAN.

Iginiit naman ng KARAPATAN na kinuha nila ang kostudiya ng menor de edad matapos itong dalhin sa kanila ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) para sa seguridad nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines