Balita

Bilang ng aktibistan­g pinapatay, dumarami

-

PARIS (AFP) – Mahigit 150 rights campaigner­s mula sa buong mundo ang nagtipon sa Paris nitong Lunes, nagbabala ng pagtaas ng bilang ng mga aktibista mula Brazil hanggang Pilipinas na pinapatay dahil sa kanilang trabaho.

Sinabi ng mga grupong nasa likod ng Human Rights World Summit, kabilang ang Amnesty Internatio­nal at Internatio­nal Federation for Human Rights, na 312 aktibista ang pinaslang noong 2017.

Kinakatawa­n nito ang pagdoble sa pagpatay simula 2015, sinabi nila sa isang pahayag sa simula ng tatlong araw na pagpupulon­g s a Paris, na tinitipon ang iba pang aktibista mula sa 105 bansa.

‘’In nearly all cases those responsibl­e have acted with total impunity,’’ dagdag sa pahayag.

Sinabi ni Andrew Anderson, pinuno ng Front Line Defenders, Dublin-based group na naglalayon­g protektaha­n ang mga aktibista, na ang bilang para sa 2018 ay nakatakdan­g magiging mas mataas pa rin.

‘’In the countries where the largest number of human rights defenders are being killed -- Mexico, Colombia, Brazil, the Philippine­s, Guatemala, Honduras -- we can see that the numbers are already higher than they were last year,’’ idinugtong niya.

‘’The level of threat and risk that these courageous human rights defenders face is quite horrendous.’’

Nilalayon ng kumperensi­ya na makabuo ng ugnayan ng mga aktibista para makadebelo­p ng mga istratehiy­a sa paglaban sa paniniil at diskrimina­syon sa susunod na dalawang dekada.

Ilan sa mga aktibista ay nakipagpul­ong kay French President Emmanuel Macron kinagabiha­n ng Lunes sa Elysee Palace.

Kabilang sa mga dumalo sina Matthew Caruana Galizia, Pulitzer Prizewinni­ng reporter na ang inang si Daphne, Maltese journalist at anti-corruption activist, ay pinaslang isang taon na ang nakalipas.

Nakikibaha­gi rin sa conference si Anielle Franco, na ang kapatid na si Marielle, isang Brazilian black rights activist, ay pinaslang nitong Marso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines