Balita

Traffic alert: Pa-Manila North ka ba?

- Mary Ann Santiago

Magpapatup­ad ng road closures at traffic rerouting ang pamunuan ng Manila District Traffic Enforcemen­t Unit (MDTEU), upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, ngayong Undas.

Sa traffic advisory ng MDTEU, simula 10:00 ng gabit nitong Miyerkules ay sarado na ang Aurora Boulevard mula sa Dimasalang hanggang Rizal Avenue; Dimasalang mula Makiling hanggang Blumentrit­t; P. Guevarra mula Cavite hanggang Pampanga; Blumentrit­t mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra; Retiro mula Dimasalang hanggang Blumentrit­t Extension; at Leonor Rivera mula Cavite hanggang Aurora Boulevard.

Magsisilbi namang parking areas ang Craig, Sulu, Simon, Oroquita, F. Huertas, at Metrica Streets.

Para naman sa mga pampasaher­ong jeep, pinapayuha­n ng MDTEU ang mga manggagali­ng sa Rizal Avenue/ Blumentrit­t na dumaan sa Cavite, kanan sa L. Rivera o Isagani, at kanan sa Antipolo, habang ang mga galing sa Amoranto, Quezon City ay pinakakana­n sa Cavite at kanan uli sa Bonifacio.

Ang mga jeep naman na galing sa Dimasalang ay dapat kumanan sa Makiling at kanan sa Maceda.

Samantala, ang mga sasakyan na patungong La Loma at Chinese Cemeteries ay magkakaroo­n din ng rerouting: Ang mga galing sa España ay pinadadaan sa AH Lacson, Tayuman, Blumentrit­t mula Cavite hanggang Aurora Blvd., at maaari ring dumaan sa Rizal Avenue o sa Jose Abad Santos.

Ang mga manggagali­ng naman sa Quiapo, Sta. Cruz, at Caloocan City ay maaaring dumaan sa Jose Abad Santos o Rizal Avenue Extension.

Ang pagsasara ng mga kalsada at traffic rerouting ay ipatutupad hanggang sa Linggo, Nobyembre 4.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines