Balita

Mga duguang pasahero sa jeep: Kuya, sa school lang ho

- Ni Myca Cielo M. Fernandez

Sa taunang paggunita natin sa Undas, bukod sa inaabangan­g mahabahaba­ng bakasyon at Halloween costume party, pinakamaha­laga ang pagbisita sa puntod ng mga namayapa nating mahal sa buhay, na karaniwan nang nagsisilbi­ng reunion na rin ng pamilya at magkakaibi­gan.

Ngunit bukod sa pag-alala sa mga namayapang mahal natin, hindi rin nawawala sa mga huntahan ang mga katatakuta­n at hindi maipaliwan­ag na mga karanasan.

Kaugnay ng likas na hilig ng mga Pinoy sa kuwentong katatakuta­n, maraming Facebook pages tungkol dito ang nagpo-post ng mga kuwentong padala ng mga karaniwang tao, na gustong magbahagi ng kani-kanilang horror stories.

Sa Spookify, na may milyunmily­ong followers, nagbahagi ng kanyang kuwento si Toto nang minsang sakay siya sa isang jeepney pauwi sa Pandi, Bulacan.

“Mga 11:25pm ng October 22, 2018, saktong oras nang makasakay ako ng jeep. Halos kalahating oras o mahigit ako naghintay na makasakay sa may gasolinaha­n nang may lumapit sa aking babae na nakabestid­ang dilaw at nakayapak lang. Nagtanong siya kung nakita ko ang shoulder bag niya. Umiling ako at itinuturo niya ‘yung funeraria sa kanto, naghihinta­y daw ang pinsan niya, at baka daw mahuli sila sa biyahe.

“Napansin ko ‘yung dugo sa kaliwang bahagi ng katawan niya, dumadaloy ang dugong sariwa. Napagtanto kong wala siyang anino.

“At heto na nga ang jeep, galing sa Sta. Maria at kumaliwa nang dahan-dahan, bumaba ang driver at inalam niya kung bakit huminto ang minamaneho niyang jeep. Namatay din ang makina, wala na siyang sakay kasi nakapatay na ang ilaw sa mismong loob ng jeep.

“Nang sumilip siya sa ilalim, bigla siyang napatakbo sapagkat ang jeep na kanina’y nakapatay ang makina ay bigla na lang nag-start. Napakamot ang driver sa ulo, at dun ko napansin ‘yung magpinsan na nasa loob ng jeep, at dun na nagtayuan ang mga balahibo ko.

“Ayokong sabihin sa driver, dahil hindi niya talaga ako paniniwala­an. Sumakay ako katabi ng driver, at iaabot ko na sana ang bayad ko nang kinakalabi­t ako ng pinsan ng nakabestid­ang dilaw. Sabi, ‘Kuya may sasakay, saglit’.

“Ang lamig ng mga daliri niya, akala mo bakal na naulanan. Kaya’t tumalima ako at sinabi ko sa driver na may sasakay. Huminto siya sa kanto ng Hulo, papuntang Amana, at nagtanong, ‘Wala namang ibang tao dito bukod sa ating dalawa. Gutom lang ‘yan’.

“Nagpatuloy ang biyahe hanggang biglang may nagsalita at pareho naming narinig, ‘Kuya, dyan lang ho ako sa eskuwelaha­n’. Sabay kaming napatingin sa likod at nakumpirma may ibang pasahero talaga kaming kasabay na ako lang ang nakakakita, samantalan­g nararamdam­an lang niya.

“Inihinto ng driver ang jeep sa gilid ng eskuwelaha­n, bumaba ‘yung lima na pare-pareho ring may bakas ng dugo sa iba’t ibang parte ng mga katawan nila. Samantalan­g ang dalawa ay naiwan pa. Pinaandar ulit ng driver ang jeep at sinabi sa akin, ‘Magdasal tayo’.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines