Balita

Bumbero kulong sa pagwawala sa ospital

- Orly L. Barcala

Patung-patong na kaso ang kinakahara­p ng isang bumbero at kanyang kaibigan matapos umanong manipa, magmura at magwala sa loob ng emergency room ng isang pampubliko­ng ospital sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa Caloocan City police sina Nino Mabuti, 28, bumbero, nakatalaga sa Mandaluyon­g City Hall; at Jesse Buenavista, 24, kapwa naniniraha­n sa Phase 9, Package 2, Block 4, Lot 5, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon kay Roberto Estrella, 57, security guard ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital na matatagpua­n sa Bgy. 188, Tala, Caloocan City, pumasok ang mga suspek sa loob ng emergency room para ipagamot ang kapatid ng bumbero, na umano’y nabundol ng sasakyan.

Dahil standard operation procedure (SOP) ng ospital na pasyente lang ang nasa loob ng ER, pinalabas ng sekyu si Mabuti, ngunit nagalit ito at sinipa sa hita ang una.

Dito lumapit sina Jerico Lando, 28, nurse; Charlamagn­e Sdler, 30, doctor, Leslie Marie Rosario, 87, pediatric consultant; at Evelyn Saldua, 38, nursing attentant, para pakalmahin ang bumbero, pero lahat sila ay pinagmumur­a ng huli.

Dito na humingi ng tulong ang iba pang kawani ng ospital sa mga barangay tanod at hinuli si Mabuti, habang si Buenavista ay nakatakbo, ngunit makalipas ang ilang minuto ay nahuli rin siya ng mga operatiba ng Station Investigat­ion Unit ng North Extension Department.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong alarm and scandal, slight physical injury at oral defamation (5 counts).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines