Balita

Tulong pangkabuha­yan para sa mga Antiqueños

-

ISANG lalaki na matagal nang naghahanap ng mapagkakat­ian habang nag-aalaga sa kanyang magulang ang sa wakas ay nakamit na ang kanyang kahilingan sa tulong ng Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Si Michael Nono, na dating mangingisd­a, ay isa lamang sa mga nabiyayaan ng fish snack cart, isang tulong pangkabuha­yang prayoridad na proyekto ng BFAR na nagkakahal­aga ng P10,000.

“I have to attend to my parents who are now old,” sabi niya sa wikang Kiniray-a. Aniya, dahil sa pagpalaot sa dagat para mangisda, kalimitan siyang malayo sa kanyang mga magulang.

Ngayon, si Nono, 40, na lamang ang nag-aalaga sa kanyang mga magulang, kailangan aniyang magsakripi­syo nang walang hanapbuhay at pera.

“I really wanted to have a job which could also provide me an income but that it should only be within Barangay Idio,” aniya.

Ayon kay Nono, natutuwa siya na kabilang siya sa mga makatatang­gap ng pangkabuha­yang tulong.

Natanggap na ni Nono ang kanyang fish cart mula kina Senador Loren Legarda at BFAR Provincial Fisheries Director Lorna Angor sa turn over ceremony sa Evelio B. Javier Gymnasium, San Jose de Buenavista, kamakailan.

Unang natanggap ng mga benepisyar­yo ang mga food supplies, na nagkakahal­aga ng P10,000, para sa kikiam, squid, at mg gamit panluto mula rin sa BFAR at sa Office of the Provincial Agricultur­e.

“I am now earning PHP500 daily because of what I am selling,” aniya. Pagbabahag­i ni Nono, masaya siya na mayroon na siyang kinikita para sa sariling pangangail­angan at sa kanyang mga magulang.

Sa pagbabahag­i ni Senior Aquacultur­ist of the Office of Provincial Agricultur­e (OPA) Alletth Gayatin, nasa 30 mahihirap na mangingisd­a ang makikinaba­ng sa proyekto sa kanilang probinsiya.

Kabilang sa mga benepisyar­yo ay nanggaling sa mga bayan ng Anini-y, Belison, Bugasong, Laua-an, Culasi, Sebaste at Libertad na may dalawang benepisyar­yo; Tobias Fornier, Hamtic, San Jose de Buenavista at Sibalom, Barbaza, Tibiao at Pandan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines