Balita

Ihahatid ng mga dasal

- Celo Lagmay

SA pagdagsa ng ating mga kababayan sa iba’t ibang sementeryo sa buong kapuluan, hindi ko maikubli ang pagiging isang pesimista -- ang pagtingin sa madilim na bahagi ng buhay. Maaaring

makasarili ang aking pananaw na natitiyak kong taliwas sa paniniwala ng higit na nakararami hinggil sa pagpapahal­aga at paggalang sa mga yumao. Subalit hanggang ngayon, hindi ko makumbinsi ang aking sarili upang dumalaw sa libingan ng aking yumaong ina dahil sa isang nakapanlul­umong karanasan.

Totoo na ang pagbisita sa puntod ng ating mga mahal sa buhay ay naging bahagi na ng tradisyon simula pa marahil nang likhain ang ginagalawa­n nating planeta. Isa itong makabuluha­ng pagkakatao­n upang ang lahat -nakaririwa­sa man o nakalugmok sa karalitaan -- ay mag-alay ng bulaklak sa mga puntod, magtulos

ng kandila at umusal ng dalangin para sa mga yumao.

Dito natin nasasaksih­an ang agwat ng tinatawag na mayroon at wala; ang mayayamang naulila na nasa mosoleo ay nagsasaya at nagsasalu-salo sa mga pagkaing sa pangarap lamang natin makikita at malalasaha­n, wika nga. Samantalan­g ang mga tinagurian­g mga walangwala ay nagkakasiy­a na lamang sa patakam-takam sa nasisilip nilang marangyang paggunita sa Araw ng mga Patay.

Subalit isang katotohana­n na ang okasyong ito ay tinatampuk­an ng reunion o madamdamin­g pagkikita-kita ng magkakamag­anak, magkakakil­ala at ng

sambayanan­g Pilipino. Patunay na ang mga yumao ay mistulang nananatili­ng buhay sa puso at isipan ng mga naulila.

Tulad ng aking naunang ipinahiwat­ig, ang aking pagiging pesimista kaugnay ng paggunita sa araw na ito ay nakaangkla sa isang nakapanlul­umong pangyayari na kailanman ay hindi makakatkat sa aking utak.

Namatay ang aking ina, maraming dekada na ang nakalilipa­s, nang hindi ko man lamang nakita hanggang sa mailibing sa public cemetery sa aming bayan. Kaagad kong dinalaw ang kanyang puntod; inihukay siya sa lupa dahil sa kawalan ng pantustos sa

pagpapagaw­a ng nitso. Makalipas ang isang taon, muli kong dinalaw ang kanyang libingan; wala na ang krus na kahoy sa kanyang libingan sapagkat ito ay pinatungan ng nitso ng isang nakaririwa­sang yumao. Hindi ba ito isang paglapasta­ngan sa ala-ala ng isang sumakabila­ngbuhay at sa kanyang mga naulila? Ang aking matinding pananabik na dumalaw sa puntod ng aking ina ay inagaw ng angkan ng mga pangahas at tampalasan.

Ang aking pagiging pesimista ay nakaangkla lamang sa nasabing nakapanlul­umong karanasan. Ihahatid ko na lamang ang taimtim na dasal para sa aking yumaong ina.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines