Balita

Balik sa normal

- Aris Ilagan

ALAXAN nga, please! Nagmamadal­i akong nagtungo sa isang botika bago ang aming flight patungong Tacloban City nitong nakaraang Biyernes. Nangingiro­t pa ang aking katawan mula sa mahabang biyahe na halos

umabot ng 600 kilometro mula Maynila hanggang Baler, Aurora at pabalik dalawang araw bago ang aking Tacloban City trip.

Nananakit ang aking buong katawan dahil kami’y sakay ng big bike patungo sa Baler.

Hindi namin maikakaila na mas masarap ang biyahe na naka-motorsiklo dahil dama namin ang sariwang hangin sa aming ruta.

Nandiyan din ang challenge sa pagmamaneh­o ng motorsiklo sa mga lugar na matrapik at maraming sagabal sa kalsada. Ito ang tunay na adventure, ika nga.

Ngunit ang kapalit nito ay ang sakit ng katawan, lalo’t na’t hindi na ako bumabata.

Ako ay mapalad na naimbita ng Yamaha Philippine­s para makibahagi sa Yamaha Tour de Rev-Visayas leg.

Ang programang ito ay isang pamamaraan ng higanteng Japanese motorcycle company upang pasalamata­n ang mga owner ng Yamaha motorbikes at dahil din sa kanilang pagiging tapat sa Yamaha brand.

Nitong mga nakaraang buwan, ako’y naging bahagi rin ng Tour de RevLuzon at Tour de Rev-Mindanao kung saan tinamasa namin ang magagandan­g tanawin, masasarap na pagkain at hanep na pakikisama ng mga residente sa dalawang rehiyon na ito.

Bukod sa naitataguy­od ang riding safety sa inisyatibo ng Yamaha,

naisusulon­g din ang moto tourism na malaking tulong sa ekonomiya ng mga munisipali­dad at siyudad sa malalayong lugar.

Isang malaking prebilehiy­o ang pagkakaroo­n ng pagkakatao­n na maikot natin ang Pilipinas at makita ang likas na yaman nito na hindi kayang pantayan ng ibang bansa.

Subalit higit dito, naging emosyonal din para sa akin ang Tour de RevVisayas dahil nabisita ko ang Samar at Leyte na sinalanta ng Super Typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013.

Tandang-tanda ko pa ang mga news report na nagpakita kung paano halos nabura sa mapa ang maraming baybaying lugar ng dalawang lalawigan na ito, dahil sa lakas ng hangin at

biglang pagtaas ng tubig dulot ng Yolanda.

Libu-libo ang namatay sa insidente. Sa aking pananaw noon, mahihirapa­ng makabangon pa ang mga nasalantan­g lugar ng super typhoon.

Nitong nakaraang araw, bigla kong kinain ang aking mga binitawang salita.

Bumalik na sa normal ang kabuhayan at kaayusan sa Leyte at Samar.

Maayos na at malinis ang mga kalsada, at kakaunti na lamang ang mga bakas ng pananalasa ng bagyo tulad ng mga nasirang bahay at imprastrak­tura.

Para sa mga taga-Samar at Leyte, saludo ako!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines