Balita

Isyung Janella-Elmo, itinulad kina Andi-Albie

- Nitz Miralles

NANANATILI pa ring tahimik si Elmo Magalona sa isyu sa kanila ni Janella

Salvador, at kahit ang kanyang mga kapatid ay walang nagsasalit­a o nagpo-post sa social media.

Kaya naman laking tuwa ng fans ng singeracto­r nang mabasa ang tweet ni Pia Magalona nang sagutin ang pangungumu­sta ng isang kaibigan.

Tanong kay Pia ng may Twitter handle na @rtan228: “Tita how is Moe? I am terribly worried about him with these interviews, bashing, articles... I know he is the victim, not the instigator. Tell him I love him to see him destroyed like this?”

Sagot ni Pia: “Thanks Tita Rose. Don’t worry...”

Maiksi man ang naging sagot ni Pia, natuwa na rin ang fans ni Elmo na malaman na okay ang lagay ng singer-actor, na para siguro matigil na ang isyu ay piniling manahimik.

Ang inaabangan ng fans nina Elmo at Janella ay ang mangyayari sa pagkikita nila sa Canada, dahil may series of shows sila roon sa November. Kasama sa inaabangan nila kung sino ang makakasama ni Janella, at kung sino ang makakasama ni Elmo, at kung magbabatia­n at maguusap ba ang dalawa. Dahil din sa nasabing tweet ni Pia, muling nanawagan sa kanya ang fans ni Elmo na huwag nang pagsalitai­n sa isyu ang binata, dahil kahit ano ang sabihin nito ay na kay Janella ang simpatiya ng tao, tama man o mali ang sinabi ng dalaga sa interview. Ipinaalala kay Pia ang naging kaso nina Andi Eigenmann at Albie Casiño, nang hinusgahan ng mga tao si Albie kahit nagsabi lang ito ng totoo na hindi siya ang ama ng anak ni Andi. Later on, napatunaya­ng nagsabi ng totoo si Albie dahil kalaunan ay lumabas din ang katotohana­ng si Jake Ejercito talaga ang ama ni Ellie.

 ??  ?? Albie
Albie
 ??  ?? Elmo
Elmo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines