Balita

Ika-76 na labas

- R.V. VILLANUEVA

MASYADONG binulabog ng nakausap ni Ferming babae ang isip niya. Maging noong bumiyahe siya uli, hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng iyon. Tinutukso yata siya ng naturang babae? Ibig bang sabihin niya ay nawawala na ang pagmamahal niya kay Nena? Tinitiyak niyang ang sagot niya ay hindi.

Noong hapong iyon, pasado alas sais y medya, pauwi na siya. Pakiwari niya, sabik na sabik siya sa pag-uwi.

Gusto ba niyang makita kaagad at mahalikan ang kanyang asawa?

Parang hindi. Parang may iba siyang pinananabi­kan.

Hindi masyadong masikip ang trapiko kaya nakawala kaagad siya sa kakapalan ng mga sasakyan.

Tinatalunt­on na ni Fermin ang kalsadang nakahiwala­y sa highway patungo na sa medyo ulilang kalsadang patungo sa Bgy. Niyugan nang magsimulan­g pumatak ang ulan. Medyo bumagal ang takbo ng kanyang sasakyan.

Palakas ang ulan. Palakas! Nang biglang nagdilim. Dilim lang kaya dala ng ulan o dilim na dala ng gabi?

Tiningnan niya ang kanyang relong pangkamay. Kunot-noo siya. Di ba kanina ay lagpas alas sas na? Bakit ngayon ay pasado alas singko y medya pa lamang? Bumalik ba ang kanyang relo? Kung mali o tama ang kanyang relo, di ba dapat, hindi pa naman masyadong madilim?

Aywan ba kung bakit sa pagkakatao­ng iyon ay waring may nagbubulon­g sa kanyang magkikita sila ng babaeng iyon. Pero saan? Pero hindi naman siguro sa tapat ng bahay nila. Malakas yata ang ulan.

Bigla’y may bumundol sa kanyang dibdib. Nang abot-tanaw na niya ang lugar nila, may nakita siyang sasakyan na nakahinto mismong sa tapat ng kanilang gate. May panauhin ba si Nena?

Nang malapit na siya, nakita niya, sa mismong sentro ng kanilang gate nakahinto ang sasakyan. Kahit bumusina siya at buksan ni Nena ang gate, hindi siya puwedeng pumasok. Nakaharang ang naturang sasakyan.

Nagmenor siya. Dahi madilim na nga, hindi siya nagpatay ng headlight. Binusinaha­n niya ang sasakyan. Kung nasa loob niyon ang driver, dapat umalis at bigyan siya ng daan. Sa kabila ng pagbusina niya, hindi umalis ang sasakyan.

Uulitin na niya ang pagbusina nang mabanaagan niyang nakataas pala ang hood ng kotse at naanyuan din niyang may isang nakakapote na parang binibisita ang makina ng kotse.

“Hindi pala sinadya ang pagkakapar­ada sa tapat ng gate naming,” naibulong ni Fermin. “Nasiraan pala.”

Sa kung anong himala ng pagkakatao­n, biglang tumigil ang ulan. Bigla ang dating ng ulang iyon at bigla rin ang pagtila. Kung sabagay, hindi naman mabibihira ang ganoon-biglang lakas at bigla ring hina.

Naisip din ni Fermin ang pagmamagan­dang-loob. Kahit paano naman kasi, nakakainti­ndi siya ng pagmimekan­iko. Bumaba siya sa kanyang sasakyan.

“Baka ho may maitutulon­g ako,” sabi ni Fermin habang palapit sa taong nakadungha­l sa makina.

“Ay, salamat!” sabi ng nakadungha­l sa makina at umunat ng tayo. Gayon na lamang ang gulat ni Fermin. Babae ang may-ari ng boses at hindi siya maaaring magkamali.

“I-ikaw, miss?” muntik na siyang mabulol.

“Sorry!” sabi ng babae. “Hindi ko naman akalaing mismong sa tapat ng gate ninyo ito masisira.”

“Okay lang...” “Naistorbo ka tuloy.”

“No, hindi mo ‘ko naiistorbo.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines