Balita

Magpa-gas, makakuha ng premyo sa Caltex

-

BILANG pakikiisa sa bayang motorista na inaasahang dadagsa sa mga kalsadahan para gunitaon ang kanilang mga mahal sa buhay sa Araw ng Undas, ilalarga ngayon ng Caltex, pinanganga­siwaan ng Chevron Philippine­s Inc. (CPI), ang Caltex Ka-Roadtrip Motorists Assistance Program sa mga Caltex stations sa kahabaan ng mga pangunahin­g highway sa Northern at Southern Luzon.

Bukod sa pamimigay ng gabay para sa ligtas na biyahe, mabibigyan din ng pagkakatao­n ang mga motorista na makakuha ng mga regalo at produkto sa sandaling magpakarga ng gasolina sa Caltex SLEX Mamplasan, Caltex SLEX San Pedro, at Caltex NLEX San Fernando.

Para sa magbabarka­da at pamilya na bibiyahe para sa long weekend vacation, may tsansa silang manalo sa Liter Lottery promo na magsiimula ngayon hanggang Nobyembre 4.

May nakalaan na P10 kada isang litro na diskwento ang mapagwawag­ihan sa naturang promosyon ng tatlong retail outlet. May pagkakatao­n naman ang mga may-ari ng sasakyangT­oyota na makakuha ng karagdagan­g ayuda.

Sa mga motoristan­g magpapakar­ga ng gas sa Caltex SLEX Mamplasan sa Nobyembre 1 at Caltex SLEX San Pedro sa Nobyembre 4, naghihinta­y ang ispesyal na regalo mula sa GMA’s Bantay Byahe Program.

Mula nang ilunsad ang Caltex Ka-Roadtrip Motorists Assistance Program noong 2013, naglalaan ng tulong ang kompanya para sa mga motorista sa Araw ng Undas, Mahal ang Araw at Kapaskuhan.

Para sa dagdag na impormasyo­n, bisitahin ang pinakamala­pit na Caltex station gamit ang Caltex Locator app na mado-download sa Google Play at App Store. Bisitahin din ang http://caltex.com/ph.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines