Balita

Diesel sa gasolinaha­n, tumagas

- Ni BELLA GAMOTEA

Mahigpit na binabantay­an ng Makati City Fire Department ang pagtagas ng diesel fuel sa isang gasolinaha­n sa lungsod, kamakalawa ng hapon.

Muling nagsagawa kahapon ng flushing ang mga bumbero, upang mabawasan ang masangsang na amoy o fumes mula sa pansamanta­lang isinara na Phoenix Petroleum gas station na matatagpua­n sa panulukan ng Evangelist­a at Estrella Streets, Barangay Bangkal sa Makati City, bandang 4:00 ng hapon nitong Huwebes.

Ayon kay Makati Vice-Mayor Monique Lagdameo, nitong Miyerkules pa inirerekla­mo ng mga residente ang masangsang na amoy o gasoline leak sa kanal ng Estrella St., na nagmula sa naturang gas station.

Dahil dito, mabilis na rumesponde ang mga bumbero, sa pangunguna ni Fire Supt. Quisto, at agad na kinordonan ang lugar para sa kaligtasan ng publiko at pansamanta­lang isinara ang paligid ng gasolinaha­n upang matukoy ang leak at iba pang apektadong lugar.

Binuksan ng mga bumbero ang mga apektadong kanal at gumamit ng gas detector upang masuri ang kontaminas­yon hanggang sa madiskubre­ng diesel fuel ito.

Nag-spray ng tubig sa lugar upang maalis ang tumagas na diesel.

Pansamanta­la ring isinara sa trapiko ang Evangelist­a St., gayundin Luna St., hanggang Macabulos Street.

Dumating naman ang Phoneix tanker upang sipsipin ang natitirang gasoline products na nakaimbak sa storage tank ng nasabing gasoline station, bandang 5:30 ng hapon.

Pinayuhan naman ni Makati City Police chief, Senior Supt. Rogelio Simon ang publiko na iwasang manigarily­o malapit sa lugar at gumamit ng appliances upang maiwasan ang anumang friction na posibleng magdulot ng pagsabog o sunog.

 ?? JANSEN ROMERO ?? DELIKADO ‘TO Nagsagawa ng ‘flushing’ ang mga tauhan ng Makati City Bureau of Fire and Protection sa kanal nang tumagas ang diesel fuel sa isang gasolinaha­n sa Bgy. Bangkal, Makati City, nitong Huwebes.
JANSEN ROMERO DELIKADO ‘TO Nagsagawa ng ‘flushing’ ang mga tauhan ng Makati City Bureau of Fire and Protection sa kanal nang tumagas ang diesel fuel sa isang gasolinaha­n sa Bgy. Bangkal, Makati City, nitong Huwebes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines