Balita

‘Bakit may All Souls’ Day, tapos may All Saints’ Day?’

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Muling pinuna ni Pangulong Duterte ang pananalig mga Katoliko matapos niyang murahin ang pagdiriwan­g ng All Saints’ Day, sinabing hindi naman kilala ng mga mananampal­ataya kung sinu-sino talaga ang mga Santo.

Ito ang nabanggit ng Punong Ehekutibo sa pagtatapos ng kanyang situation briefing sa Isabela, kasabay ng pagbati niya sa publiko nitong Huwebes.

“We all have our obligation­s to the dead. It’s a—it’s practicall­y part of the culture but more than that it’s something that is very important for us to commune with our ancestors.

“So happy All Saints’... bakit naman… Sabagay itong, t *** *** talaga ‘tong mga Katolikong p***. Bakit naman may All Souls’ Day tapos may All Saints’ Day?” anang Pangulo.

“Hindi nga natin alam kung sino ‘yang mga santo na ‘yon. Sino ‘yung mga g*** na ‘yon? Mga lasenggo,” dagdag niya.

Kasunod nito, nagbiro siya na mamamahagi siya ng litrato ng “Santo Rodrigo”—tinutukoy ang kanyang sarili—upang mailagay sa mga altar.

“Dito na lang kayo. I’ll give you one pat—ahh, isang patron na ano, para hindi na kayo magpasyal. Get hold of a picture of mine. ‘Yan ang ilagay niyo sa altar — Santo Rodrigo,” dagdag pa ni Duterte.

Ang nasabing pagbibiro ng Pangulo tungkol sa pagdiriwan­g ng mga Katoliko ay taliwas sa inilabas ng Malacañang na mensahe niya bilang pakikiisa sa pagdiriwan­g ng All Saints’ Day at All Souls’ Day, nang himukin niya ang mga Katoliko na gawing huwaran ang kabanalan ng mga Santo.

“We Filipinos welcome the month of November with open hearts as we remember our saints and our dearly departed loved ones, whose lives have deeply inspired us to grow in faith, hope, and love,” saad sa kanyang pahayag.

“Together, let us emulate our saints, pray for the eternal repose of souls and deepen our engagement with our communitie­s as we work for real and lasting change,” dagdag pa niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines