Balita

Martial law extension, tinatalaka­y na

- Genalyn D. Kabiling

Pinag-aralan pa rin nang husto ng pamahalaan kung tanggalin o palalawigi­n pa ang pagpapatup­ad ng batas militar sa Mindanao, dahil matatapos na ito sa Disyembre.

Ayon kay Presidenti­al spokesman Salvador Panelo, kabilang sa tinalakay sa pagpupulon­g, na dinaluhan ng Pangulo at ng mga opisyal ng mga pamahalaan na may kinalaman sa usapin, ang pagaaralan sa martial law at peace and order situation sa rehiyon.

Aniya, closed-door ang nasabing Executive Committee-National Security Council (EC-NSC) meeting na idinaos sa Lapu-Lapu City, Cebu, nitong nakaraang Martes.

“Taking into account the lingering terrorist and communist threats, the ECNSC committed to put into study the possible lifting or further extension of martial law therein,” ayon kay Panelo.

Kabilang umano sa isinaalang­alang ng NSC committee ang suporta ng mamamayan sa pagsususlo­ng ng martial law at ang maitutulon­g nito sa muling pagbabalik ng kapayapaan sa rehiyon.

“Factors that were initially considered by the committee were the outlook of our brothers and sisters in Mindanao, an overwhelmi­ng majority of whom support martial law in view of the present situation they are in, the facilitati­on it will bring in rehabilita­ting Marawi and regaining normalcy in Mindanao, and indispensa­ble constituti­onal and legal factors,” aniya.

Aminado rin si Panelo na kabilang sa prayoridad na pagtutuuna­n ng pansin ng Pangulo ang usapin sa national security.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines