Balita

3 dinakma sa illegal towing

- Orly L. Barcala

Kulong ang tatlong towing company employee, na kinabibila­ngan ng isang babae, matapos na maaresto sa entrapment operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Regina Irenea, 31, ng Block 56, Lot 3, Sinilyasi Street, Barangay 8, Caloocan City; Christian Abia, 33, ng Block 212 Lot 27, Phase 2, Mabuhay, Cabuyao, Laguna; at Jori Baltes, 38, ng 202 Madukay St., Bgy. 128, Caloocan City, pawang empleyado ng Telva Towing Services.

Ayon sa complainan­t na si Demosrhene­s Novelo, 42, ng 2117 Bao Extension, Tondo, Maynila, tumawag sa kanya ang kanyang driver na si Darwin Recafaso, bandang 12:15 tanghali.

Ayon sa driver, hinatak ng tatlong suspek ang Isuzu Truck (WMW- 173), na nakaparada sa tapat ng isang gasoline station sa kahabaan ng C-3 Road, Bgy. 14, Caloocan City.

Ayon pa sa driver, hiningan siya ng P1,500 ng mga suspek upang hindi tuluyang hatakin ang sasakyan.

Nagtaka umano si Novelo dahil ang Metro Manila Developmen­t Developmen­t Authority (MMDA) ang tanging may karapatan na magtow ng sasakyan at araw ng Undas at suspendido rin ang coding.

Dahil dito, nagtungo si Novelo sa pulisya at ikinasa ang entrapment operation sa C-3 Road, Caloocan City, bandang 1:45 ng hapon.

Matapos na iabot ang tatlong pirasong P500 bill, dinamba ng mga pulis ang mga suspek.

Nahaharap ang tatlo sa kasong robbery extortion (illegal towing).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines