Balita

Bigyan ng leksiyon ang kaliweteng mister!

- Gina de Venecia

Dear Manay Gina, Ang pakiramdam ko ay nakabilang­go ako sa kasal namin ng kaliwete

kong asawa. Minsan ko na po siyang nahuling nangaliwa, 10 years ago. Pero matapos ang maikling hiwalayan kami ay nagsamangm­uli, alang-alangsa ikakabuti ng aming pamilya. Pero ngayon, after 40 years of marriage, natuklasan ko na muli na naman siyang nangaliwa, napakasaki­t ng nararamdam­an ko at parang hindi ko na kayang mabuhay, kasama sa bahay ang isang sinungalin­g na binabastos ang aming kasal. Ano po kaya ang dapat kong gawin?

Minnie Dear Minnie, Naiintindi­han kita. Masakit

talaga ‘yan, kasi makalipas ang apat na pung taon ay nagawa pang ipagkanulo ng iyong mister ang kasagraduh­an ng inyong pagmamahal­an. At habang tayo’y tumatanda, mas bumibigat ang epekto niyan sa ating pagkatao, dahil mahirap tanggaping inaksaya natin ang kabataan sa isang taong hindi marunong gumalang sa ating damdamin.

Dahil ayaw mo namang balewalain ang 40 years ng inyong pagsasama at ayaw mo ring masira nang tuluyan ang inyong kasal, siguro, payuhan mo siyang tumira muna sa isang hiwalay

na apartment, malayo sa inyong tahanan habang siya ay aktibo sa kanyang pangangali­wa. Huwag mong ipasok sa ‘yong isipan ang permanente­ng hiwalayan. Sa halip, ipadama mo sa kanya ang buhay na malayo sa kanyang pamilya. Sa ganitong paraan, kasal pa rin kayo pero mabubuhay kang malaya sa kaliwete at sinungalin­g mong asawa. Pero sumangguni ka rin sa isang abogado para makagawa ng panuntunan tungkol sa pananalapi. Sa ganitong paraan, makikita ng iyong mister na seryoso ka sa pagnanais na magkaroon ng malinis na pagsasama at madarama niya

kung paano mabuhay nang malayo sa mga taong nagmamahal sa kanya, kung hindi siya magpapakat­ino.

Nagmamahal, Manay Gina

“You hurt your spouse, not so much by the infidelity, but by the negative feelings about yourself that you bring home.”--- Michael Zaslow

Ipadala angtanongs­adear. inangmahal @gmail.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines