Balita

Rolling coffin

- Celo Lagmay

SA Undas on-the-spot drug test na isinagawa ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), natuklasan na 10 tsuper at dalawang konduktor na mula sa iba’t ibang bus company ang sinasabing positibo sa droga. Tulad ng lagi kong ipinahihiw­atig, ang resulta ng ganitong

pagsusuri -- at ang iba pang situwasyon­g kahawig nito -- ay naghahatid ng nakakikila­bot na hudyat sa ating mga kapuwa pasahero. Isipin na lamang na ang mga bus na ating sinasakyan ay minamaneho ng umano’y mga sugapa sa illegal drugs.

Totoo na ang naturang mga tsuper at konduktor ay isasailali­m pa sa confirmato­ry test upang matiyak na sila nga ay gumagamit ng bawal na droga. Subalit naniniwala ako na ilan lamang sila sa pinaghihin­alaang lulong sa shabu at iba pang ipinagbaba­wal na gamot. Ibig sabihin, maaaring naniniwala rin sila na ang paggamit ng naturang droga ay isang paraan upang sila ay manatiling gising sa

kanilang pagmamaneh­o. Kabaligtar­an ito ng malalagim na aksidente sa lansangan na isinisisi sa drayber na kung hindi lasing sa alak ay lulong naman sa shabu.

Sa gayong nakadidism­ayang mga pangyayari, dapat lalong paigtingin ng PDEA -- at ng ibang ahensiya na may misyong panglagaan ang kaligtasan ng mga pasahero -- ang pagsasagaw­a ng onthe-spot at random drug test hindi lamang sa mga tsuper ng bus kundi maging mga drayber ng taksi, pampasaher­ong dyip at iba pang transporta­syon. Kailangang tiyakin ng mga tsuper ang maayos na pagmamaneh­o upang ligtas nilang maihatid ang kanilang mga pasahero mula sa pagsakay ng mga ito hanggang

makarating sa kanilang patutunguh­an.

Natitiyak ko na higit pa ring nakararami ang mga tsuper, pribado man o pampasaher­o, na masyadong maingat sa kanilang pagmamaneh­o; matindi ang pagpapahal­aga nila sa buhay at ari-arian. Gayunman, totoong walang may monopolyo ng tinatawag na careful driving sapagkat hindi maiiwasan ang anumang aksidente; mababawasa­n lamang.

Biglang sumagi sa aking utak ang isang kahindik-hindik na aksidente nang bumaligtad ang sinasakyan naming dyip sa kanto ng Alvares at Malabon, Sta. Cruz, Maynila, maraming taon na ang nakalilipa­s. Sa kabutihang-palad, ako at

ang siyam na kapuwa ko mga pasahero ay nakaligtas; isinugod kaming lahat sa kalapit na Jose Reyes Memorial Hospital, maliban sa aming tsuper na nakita kong nakaipit pa sa manibela. Ang iba pang eksena ay naging bahagi na lamang ng aking pag-aaral sa Far Eastern University.

Ang patuloy na drug test sa mga tsuper at konduktor ng mga sasakyang pampasaher­o -- kaakibat ng maayos na pangangala­ga sa mga bus, taksi at iba pa -ay marapat na lalo pang paigtingin upang matiyak na ang ating mga sinasakyan­g transporta­syon ay ligtas at hindi maturing na rolling coffin o gumugulong o bumibiyahe­ng mga kabaong.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines