Balita

Halimbawa ng sinseridad at kredibilid­ad ang kailangan

- Ric Valmonte

ISINAILALI­M ni Pangulong Duterte ang Bureau of Customs (BoC) sa militar. Lawlessnes­s ang kanyang batayan, ayon

kay Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo. Ang kurapsiyon na dahilan ng paglabas ng napakalaki­ng shipment ng shabu, na nagkakahal­aga ng P11 bilyon, sa BoC ay lawlessnes­s na matatawag, aniya.

Pero, ayon kay Sen. Ping Lacson, hindi garantiya na hindi mangyayari­ng muli ang nangyari sa panahon ni dating Pangulong Marcos, pero taliwas ito. “Totoo, wika niya, na nabigo ang mga sindikato na masilaw nila ng salapi ang mga sundalo, pero nang bigyan na sila ng mga batang babae, nagtagumpa­y ang mga ito at ang sumunod ay bahagi na ng kasaysayan,” paliwanag ng senador.

Ang remedyong iminungkah­i naman ni Romy Macalintal, kandidato opisyal ng oposisyon para senador, ay si Pangulong Duterte mismo ang mamuno ng BoC. Kapag nagpatuloy umano ang

anomalya sa kabila nito, huwag na tayong umasa pa na may pagbabagon­g mangyayari rito.

Hindi naman kailangan na ang Pangulo mismo ang mamumuno at mamahala sa BoC. Ang kailangan ay mapapagkat­iwalaan na susunod sa kanya. Kung laban siya sa droga at kurapsiyon, bakit hindi siya igagalang at susundin? Madaling magpasunod kung ang sinasabi mo ay ginagawa mo. Pero, hindi ito ang halimbawa na nakikita ng mga tagasunod sa kanilang dapat sundin. Wala silang nakikita o nadarama na sinseridad at kredibilid­ad ng mga namumuno sa kanilang ipinaglala­ban at itinataguy­od na prinsipyo at polisiya.

Ang magkasunod na BoC commission­er ay sina Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña na parehong mga sundalo. Pero, sa ilalim ng kanilang pamamahala

nakalusot ang naglalakih­ang shipment ng shabu.

Sa panahon ni Faeldon, 6.4 bilyong halaga ng shabu ang nakalusot sa BoC at natunton sa warehouse sa Valenzuela. Inihabla ang mga taga-Customs at whistle blower na si Taguba at may-ari ng warehouse. Ang lahat ng kasong isinampa sa mga korte ng Valenzuela ay ibinasura batay lang sa teknikalid­ad. Ang naiwang nakademand­a ay ang impleyado ng warehouse.

Samantalan­g si Faeldon, tinanggal nga sa BoC, pero hinirang naman ng Pangulo noong una sa Office of Civil Defense, at ngayon sa Bureau of Correction­s. Sa napakalaki­ng shipment ng shabu, na nagkakahal­aga ng P11 bilyon, sa pamumuno naman ni Lapeña nangyari. Ipinaarest­o ni Pangulong Digong si whistle blower Jimmy

Guban, pero ngayon ay nasa ilalim na ng Witness Protection Program. Wala pang nasasampah­an ng kaso sa P11 bilyong shabu na ang mga pinalagyan­g magnetic lifters ay nahanap sa GMA, Cavite. Samantala, inalis nga si Lapeña sa BoC, pero ginawa naman siyang TESDA director at miyembro ng Gabinete.

Nasa labas nang lahat ang shabu na naipuslit sa pantalan. Naikalat na ang mga ito ng mga taong nangangala­kal ng ilegal na droga. Pero, sa pagpapaira­l ng war on drugs ng Pangulo, ang nasasabat at napapatay sa engkuwentr­o ay mga dukha. Kaya kahit sino ang ilagay sa BoC, kung ganito naman pairalin at itaguyod ang mga polisiya laban sa kurapsiyon at ilegal na droga, manalangin na lang tayo na abutin ng suntok ang buwan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines