Balita

JM, relate na relate sa ‘Kung Paano Siya Nawala’

- Ni REGGEE BONOAN

SA interbyuha­n namin kay JM de Guzman pagkatapos ng mediacon ng pelikula niyang Kung Paano Siya Nawala, katambal si Rhian Ramos, natanong ang binata kung alam niya na mahusay siyang aktor kaya nananatili pa rin siya sa showbiz hanggang ngayon.

“Hindi ko po alam.” Ito ang natatawang sagot ni JM sa nabanggit na tanong ng katotong Isah Red, dating entertainm­ent editor ng Manila Times.

“Hindi ko po iniisip, inaalis ko po (sa isip ko). Kasi ‘pag ganu’n, wala nang ano (room for improvemen­t),”sabi ni JM.

Akalain mo nga namang ilang beses nang nawala sa showbiz si JM, pero laging nakakabali­kwas ang kanyang career.

Kasi naman, bukod sa mahusay talaga siyang artista, napakabait, napakanatu­ral at higit sa lahat, marunong makisama at tumanggap ng pagkakamal­i si JM.

Kaya naman saksi kami kung gaano siya kamahal ng lahat, at deserve niya talagang mabigyan ng maraming chance.

“Oo nga po. Sobrang nagpapasal­amat ako sa ABS-CBN at kay Direk Ruel (Bayani), at sa lahat ng producers na kinukuha ako sa pelikula,” sabi ni JM.

Ang Kung Paano Siya Nawala ang unang pelikula ng aktor simula nang muli siyang mamahing sa showbiz noong 2015, at huli siyang napanood sa Tandem (2015) at That

Thing Called Tadhana (2014). “First time kong nabasa ‘yung script (ng Kung Paano Siya Nawala), gusto ko na talaga siyang gawin. Ang ganda ng story and character. Challengin­g siya for me.

“Gusto ko ring makatrabah­o si Rhian at si Direk Joel Ruiz, and of course ang TBA Studios, so lahat nag-match.

“Maraming parts sa buhay ni Lio (karakter niya sa pelikula) na nata-tap ko sa personal kong buhay at napagdaana­n ko rin. Naka-connect ako sa kanya.”

Sa pelikula, problema ni Lio na hirap siyang makatanda ng tao dahil sa kanyang face blindness. Pero nang makita niya si Shana (Rhian) ay hindi na niya nakalimuta­n ang dalaga, at tandang-tanda niya ito. Mapapanood na ang Kung

Paano Siya Nawala sa Nobyembre 14 nationwide, mula sa TBA Studios. Tampok din sa movie sina Agot Isidro, Barbara Ruaro, at Ricky Davao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines