Balita

Erickson Raymundo, bagong manager ni Kris

- Reggee Bonoan

KAYA pala hindi namin mahagilap si Binibining

Joyce Bernal ay dahil busy dahil malapit na ang first shooting day ng advocacy film ng Spring Films na Children of the Lake, na kukunan sa Marawi City, Lanao del Sur, kung saan sumiklab ang limang-buwang bakbakan noong nakaraang taon.

Ito ang ibinulgar sa amin sa pakikipagk­uwentuhan namin sa CEO ng Cornerston­e at presidente ng Spring Films na si Erickson Raymundo.

“Sisimulan na kasi niya (Direk Joyce) ang Marawi kaya busy ‘yun ngayon,” sabi ni Erickson, na kasalukuya­ng nasa Maldives kasama ang isa sa mga Cornerston­e artists na si Erik Santos para sa much awaited vacation.

“Ang tagal kong hindi nakakabaka­syon na, daming ginagawa kasi. Ang daming blessings kaya nakakatuwa. Thankful talaga kaming lahat, group effort ‘yun. Pangako ko kasi sa sarili ko na every weekend magbabakas­yon ako para makapag-recharge,” pahayag ng manager ng mga sikat na ABSCBN artists.

Nauna munang nag-Boracay si Erickson noong muling buksan sa publiko ang isla nitong Oktubre 26, kasama ang ilang staff. Makalipas ang apat na araw, tumuloy naman sila ni Erik sa Maldives, na unang beses daw niyang napuntahan.

Libre raw ito kay Erickson ni Erik, na kumita sa 15th anniversar­y concert nito sa Mall of Asia Arena kamakailan.

Pagkatapos ng Maldives ay tutuloy naman si Erickson sa Seoul, Korea para dalawin ang shooting ng pelikulang Sunshine Family na pinagbibid­ahan ng magasawang Nonie Buencamino at Shamaine Buencamino, Marco Masa at Sue Ramirez, na co-prod ng Spring Films at Film Line Pictures Production­s.

Pinuna namin ang mahabang bakasyon ni Erickson.

“Bakasyon at trabaho

‘yun. Kasi pagbalik ko, ang dami naming meetings sa Spring Films kasi gagawa kami ng 10 movies next year (2019).”

Samantala, natatawa naman ang manager ni Sam Milby sa feedback tungkol sa role ng aktor sa seryeng Halik. Halos negatibo ang lahat ng nagkokomen­to kay Sam, dahil sa pagiging kaliwete nito sa serye.

“Nakakatawa nga ‘yung mga nababasa ko. Bagay kay Sam ‘yung ganu’ng karakter kaysa sa mabait. Siya rin naman mas gusto niya ‘yun. Gustung-gusto nga niya ‘yung serye nila ni Judy Ann (Santos, Huwag Ka

Lang Mawawala, 2013). ‘Pag mabait kasi role ni Sam, walang challenge, kasi iyon siya, mabait talaga siya,” ani Erickson.

At ang taas ng ratings ng Halik kahit na late na ito napapanood. At higit sa lahat, ang ingay-ingay sa social media at kuwentuhan din sa mga tindahan nina ate, nanay at tatay dahil nakaka-relate sila.

Anyway, si Erickson na ang may hawak ng lahat ng accounts ni Kris

Aquino matapos na madiskubre ng huli na niloko siya ng taong pinagkakat­iwalaan niya.

“Oo, kami na lahat. Lahat ng bagong pasok at renewals, kami na ang may hawak. Medyo nangangala­y nga ako kasi ang laki-laking artista ni Kris, hindi kami sanay. Pero thankful kami sa Cornerston­e kasi nagtiwala siya at hindi naman namin sisirain ‘yun,” pahayag ni Erickson.

 ??  ?? Erickson
Erickson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines