Balita

Sophie, sumisikat dahil sa ‘Pamilya Roces’

- Ni NITZ MIRALLES

APEKTADO ang isang viewer ng Pamilya Roces sa role at karakter ni Sophie Albert sa nasabing dramedy bilang si Amber Balocboc. Sabi ng viewer, hate niya si Amber at hate niya rin ang karakter ni Rocco Nacino, na gumaganap na Hugo Javellana.

Sa serye, kabit ni Hugo ang sister-in-law niyang si Amber.

Sa galit ng viewers, nabanggit nito na sana ay mapansin ng Movie and Television Review and Classifica­tion Board (MTRCB) ang mga eksena nina Sophie at Rocco sa serye, para siguro masita.

Nag-react ang nasabing viewer sa kissing scene at bed scene ng dalawa sa serye. Nasa script naman ang nasabing mga eksena, at knowing Direk Joel Lamangan, hindi siya papayag na mamemohan ng MTRCB ang hawak niyang serye, at nasa limit pa rin naman ang kissing scenes.

In fairness kay Sophie, hindi niya dine-delete ang mga negang comments, dahil alam niyang wala siyang ginagawang mali. Nagpasalam­at pa nga siya sa karakter ni Amber at sa Pamilya

Roces dahil dumami ang nakakakila­la sa kanya, at nakaka-appreciate sa husay niya sa comedy.

“Masaya ang role ko, enjoy akong gampanan si Amber na malayo sa totoong buhay ko,” sabi ni Sophie.

“Nakakatuwa­ng mabasa ang comments ng viewers, natutuwa sila kay Amber. I was expecting na magagalit sa akin ang viewers dahil nang-agaw ako ng asawa, kontrabida ako rito, pero iba ang nangyari. Naa-amuse sila kay Amber sa pagiging jologs, kulang sa intelligen­ce, at pagiging bakla. Ang sarap sa pakiramdam na natutuwa at napapasaya ko ang Kapuso viewers,” ani Sophie.

Ang hindi pa naitatanon­g kay Sophie ay kung ano ang reaction ng boyfriend niyang si Vin Abrenica sa kissing scenes at bed scenes nila ni Rocco? Hindi ba nagseselos ang boyfriend niya? Hindi ba siya inaaway?

 ??  ?? Sophie
Sophie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines