Balita

Rita, kontrabida­ng gusto na makatuluya­n ng bida

- Nora V. Calderon

MAY isang character sa My Special Tatay na kinaiinisa­n ng mga manonood, si Aubrey, played by singer-actress

Rita Daniela. Ang samasama kasi ng character niya bilang isang pokpok na tinatablad kahit kanyang mga kaibigan kumita lang siya ng pera.

Sa My Special Tatay, siya ang nabuntis ni Boyet (Ken Chan), na may mental disability at anak nila si Baby Angelo. Noong buntis siya, lahat ng gusto ni Aubrey ay ibinigay ni Boyet, kahit mahirapan ang huli to the point na halos namatay na ito sa pagtatraba­ho.

Pero dumating sa punto na gusto ni Aubrey

na ibenta ang anak para siya magkapera. Mabuti na lang at laging nahuhuli ni Boyet, sa tulong ng best friend niyang si Carol (Arra San Agustin) ang mga kalokohan

ni Aubrey.

Ang huling ginawa ni Aubrey, sinabi niya kung sino ang talagang tatay ni Baby Angelo kaya nakuha nila ang bata. Pero lumitaw sa DNA test na si Boyet talaga ang ama ng sanggol.

Kaya naman sa mga comments sa Twitter ay maraming galit na galit kay Aubrey.

Nakatikim na ba si Rita ng bashing sa social media dahil sa masamang ugali ni Aubrey? O may nagagalit ba sa kanya kapag nakikita siya sa labas?

“Wala po naman. Kapag may mga fans na nakakakila­la sa akin, sabi nila naiintindi­han daw nila ang character ko, at nagpapa-picture pa sila sa akin,” sagot ni Rita.

“Pero may mga nagtatanon­g din sa akin kung babait daw ako dahil kawawa naman si Boyet, na mahal ako at may Baby Angelo pa kami, pero hindi ko tinatrato nang maganda.”

Siya ba wish din niyang bumait? Meron kasing mga netizens na nagsasabin­g sana raw ay bumait siya at sila na ni Boyet ang magkatuluy­an?

“Wish ko rin po na bumait naman ang character ko,” nakangitin­g sagot ni Rita. “At totoo pong maraming nagsasabi sa akin na sana raw maging kami ni Ken Chan sa huli.”

Ang My Special Tatay ay napapanood arawaraw, pagkatapos ng Ika-5 Utos.

 ??  ?? Rita at Ken
Rita at Ken

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines